Chie Filomeno may patama nga ba kay Dawn Chang? | Bandera

Chie Filomeno may patama nga ba kay Dawn Chang?

Reggee Bonoan |February 18,2022
facebook
share this

Chie Filomeno may patama nga ba kay Dawn Chang?

Reggee Bonoan - February 18, 2022 - 09:32 AM

Chie Filomeno may patama nga ba kay Dawn Chang?

NOONG Mayo 11, 2019 ay ini-relaunch ang Girltrends, ang female dance group na regular noon napapanood sa programang “It’s Showtime” na tinawag na GT na kinabibilangan nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito at Dawn Chang.

‘Bolder, Fiercer’ ang tag line ng GT na dumaan noon sa audition kay Direk Lauren Dyogi na umabot sa 100 at natira nga ang pito na pinangunahan ni Dawn.

Sa nasabing mediacon noon sa Nanka Restaurant sa Mother Ignacia ay may mga narinig na kaming may isyu sina Chie at Dawn pero hindi ito napag-usapan dahil bawal at dapat puro positibo lang para sa grupo.

Nagulat ang lahat dahil tatlong buwan palang simula ng re-launching ng GT ay heto at nagbitiw na si Dawn sa grupo na pinost niya sa kanyang Instagram account noong Agosto 26,2019.

Aniya, “It has been three roller coaster years for me. I may not be part of GT anymore but I will forever be an advocate of women empowerment. I no longer live my life in fear and I’m ready to share the rest of me to the world, on my own. GT Dawn Chang signing off. P.S. Full statement on my YouTube channel – Brutally Honest special episode.

“Supposed to share my talent and entertain. I am supposed to give an enjoyable and memorable experience to the audience, and I feel that I am not able to fulfill those duties and responsibilities as a performer when I am with GT.”

May mga haka-haka na hindi na raw kasi kumportable noon si Dawn sa ka-grupo niya lalo na kay Chie na madalas silang magparunggitan dahil ang huli ay madalas absent dahil tumanggap ng trabaho sa labas.

Nakadagdag pa ang pagpuna ng netizens na hindi sabay-sabay ang pagsayaw ng GT at pressure iyon kay Dawn bilang lider ng grupo na dahilan din kaya bumitaw din siya.

Base sa balita noon ay nagpaparinig si Dawn laban kay Chie kapag absent siya na nakararating naman sa huli dahil may mga nagmamalasakit sa kanya.

At natanong si Chie kung posibleng maging okay sila ni Dawn pero tumanggi na siya at ayaw na niyang pag-usapan.

Sagot ni Chie sa panayam niya sa ilang reporters noon sa ginanap na Black Magic Halloween party ay, “Closed na. I want to be honest. No, no, no. Kasi grabe na ‘yung lamat na nalagay so I’d rather not be plastic about it.”

At bakit kami nagbalik-tanaw ay dahil naniniwala ang mga nakabasa ng tweet ni Chie kaninang hapon na si Dawn ang pinariringgan nito.

Tweet ni @ChieFilomeno kaninang 4PM, “Funny how you’re so mad [that] someone is ruining your reputation, yet that’s what you’ve been doing to me for the longest time.”

Muli siyang nag-tweet ng 5PM, “Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako kbye.”

Ilang beses ni-retweet ang mga sinabing ito ni Chie at mahigit 5k and still counting naman ang nagkagusto.

Sapantaha naming ang binanggit na back to you ni Chie ay ang komentong sinabi ni ‘Nay Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute na, “Dancer iyan na nasa ano dati, sa lunchtime show nila. Itong si Dawn Chang, kaya nagkakaroon ng mga trabaho iyan, alam na alam sa ABS… Ako, Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho?

“E, pa-bash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash, dahil wala kang mararating kung di ka nakikipaglandian sa mga boss, naku, ha. Dawn Chang, tumigil ka nga. Dawn Chang me. Charot!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

At dahil dito ay nag demand ng public apology si Dawn through her lawyer na si Atty. Rafael Vincent Calinisa.

Kaya nagbigay din ng komento ni Manay Lolit Solis sa “Take It Per Minute… Me Ganun” nitong Pebrero 14 dahil sa hinihinging apology ni Dawn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “Kapapasok mo palang sa mundong ito (showbiz) lahat muna tanggapin mo ng constructive. Halimbawa, sinulat ni Cristy ang tingin sa ‘yo ganito, ganyan. E di (isipin mo) ‘ay baka nga ganito kasi sa kilos ko, ganito tingin sa akin kailangan baguhin ko. Mabuti nga, suwerte siya pinagtuunan siya ng pansin ni Cristy Fermin. Kung baguhan ako at isinulat ako ni Cristy Fermin, maligaya na ako no’n at hindi ko babanggitin ang name niya ‘no!”

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Dawn Chang.

Related Chika:
Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post
Dawn Chang inokray-okray ng basher: ‘Sikat ka ba? May fan base ka ba?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending