James Reid tuluyan nang iiwan ang Pinas, itutuloy ang singing career sa Amerika | Bandera

James Reid tuluyan nang iiwan ang Pinas, itutuloy ang singing career sa Amerika

Reggee Bonoan - February 16, 2022 - 06:10 PM

James Reid

“Bon voyage” at “Good luck James Reid” ang nakasulat sa cake na naka-post sa Instagram story ng aktor at singer ilang oras na ang nakararaan.

Nagpadespedida party ang singer-actor para sa malalapit niyang kaibigan dahil sa pag-alis nito patungong Amerika kung saan daw niya tutuparin ang matagal nang inaasam na international singing career base na rin sa mga komento ng fans.

Balitang sa Los Angeles, California ang tungo ng binata kung saan naka-base ang talent management na tutulong sa kanyang career doon.

Ayon kay @itsmesharani, “James, I hope you could have a collaboration with Mark Tuan.” Ang tinutukoy niyang Mark Tuan ay ang kilalang American rapper, singer, songwriter at modelo at miyembro ng South Korean boy group na Got7.

“Goodluck” din ang komento ng supporter niyang si @cjtalajon.

Say naman nina @gracellofficial at @sherlimaee, “We would love it if you @james went to LA!”

Sabi rin ni @roxanne.diana, “Sending all my love to you @james. Goodluck on your new journey. Break a leg.”

Comment ni @beattieleneth, “I miss Jadine sana may forever.”

Halos iisa ang mga nabasa naming komento na nagpakita ng pagsuporta at pagmamahal kay James Reid.

Nagsimulang lumamlam ang karera ni James both sa singing and acting simula nang kumawala siya sa Viva Films taong 2019 at i-manage siya ng kanyang amang si Ginoong Malcolm Reid pero hindi naman naging successful.

Idagdag pa ang pagkakabuwag ng loveteam nila ng ex-girlfriend na si Nadine Lustre na kumawala rin sa Viva pero ngayon ay nakabalik na at tatapusin ang kontratang naiwan kaya may projects na siya ulit sa nasabing film company.

Hindi maganda ang taong 2019 dahil buong mundo ay sinubok ng COVID-19 pandemic kaya maraming nagsarang negosyo at maraming nawalan ng trabaho, kabilang na nga ang entertainment industry.

View this post on Instagram

A post shared by James Reid (@james)


Nasama rin ang bar and restaurant business ni James sa Poblacion Makati at Quezon City sa mga naapektuhan ng krisis.

Ang mga ipinrodyus niyang music video ay hindi rin gaanong kinagat kaya sa madaling salita hirap si James sa solong career niya.

Kasabay nito nabalita uli ang pagbebenta ng kanyang bahay sa isang mamahaling subdibisyon na sa kasalukuyan ay walang balita kung nabenta na ito o hindi pa.

Anyway, umaasa ang mga kaibigan at taong nagmamahal kay James na sana’y matagpuan niya ang hinahanap sa pagpunta ng Amerika para muling umusbong ang pangalan at karera niya.

Goodluck, James Reid!

https://bandera.inquirer.net/299427/james-nadine-muntik-nang-magkita-fans-nag-react-sana-sila-rin-sa-huli

https://bandera.inquirer.net/280426/nadine-sa-paghihiwalay-nila-ni-james-im-allowing-myself-time-to-heal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281542/alden-hiyang-hiya-nang-ipa-tattoo-ng-female-fan-ang-pangalan-niya-grabe-naman-to

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending