Vice dedma sa mga nangnenega sa wedding nila ni Ion; next project...sariling baby naman? | Bandera

Vice dedma sa mga nangnenega sa wedding nila ni Ion; next project…sariling baby naman?

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Vice dedma sa mga nangnenega sa wedding nila ni Ion; next project…sariling baby naman?

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 07:19 AM

Vice Ganda at Ion Perez

PAGKATAPOS ibandera nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang pagpapakasal sa Las Vegas last year, ang inaabangan naman ngayon ng madlang pipol ay ang pagkakaroon nila ng anak.

Isang araw bago ang Valentine’s Day, Feb. 13, in-announce ng TV host-comedian sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube na nagpalitan na nga sila ng “I do” ni Ion noong magbakasyon sila sa Amerika last year.

May mga nangnega at kumontra sa intimate wedding commitment ceremony nina Vice at Ion na ginanap sa The Little Vegas Chapel sa Amerika noong October, 2021.

Ilang bashers pa nga ang nagsabi na hindi rin magtatagal at maghihiwalay din ang “mag-asawa.”

Pero marami rin naman ang nag-congratulate kina Ion at Vice kabilang na ang mga kilalang celebrities tulad nina Marian Rivera, Bea Alonzo, Angel Locsin, Jolina Magdangal, Catriona Gray, Sarah Lahbati, Darren Espanto pati na ang mga kapamilya niya sa “It’s Showtime.”

Siguradong dedma na kay Vice ang mga masasakit at malilisyosong salitang ibinabato sa kanila ng kanyang asawa dahil mas marami pa rin ang maligaya para sa pagsasama at pagmamahalan nila ni Ion.

Sa kanyang Instagram update, nagpasalamat si Vice nang bonggang-bongga sa lahat ng mga bumati sa pagpapakasal nila ni Ion, lalung-lalo na sa mga taong tanggap na tanggap ang kanilang pagmamahalan.

“Thank you very much for the overwhelming love that you have been sending us. Our hearts are full. Happy Valentine’s Day!!!” mensahe ng TV host sa madlang pipol.

At ngayon nga, ang next na aabangan ng publiko ay kung totohanin na ni Vice ang planong magkaroon ng sariling baby. May nga nagpapayo sa kanya na gayahin ang ginawa ng celebrity entrepreneur na si Joel Cruz na nagkaanak sa pamamagitan ng surrogacy.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sa isang panayam kay Vice, sinabi niyang kino-consider na rin niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Nagbago raw ang pananaw niya tungkol sa pag-aasawa nang dumating si Ion sa buhay niya.

“Nagbabago rin pala talaga ‘yung tao ano? ‘Di ba sabi ko, yung kasal, ‘No, not for me.’ If my friends, if some people in my community want to do it, I support them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko.

“But yeah, kino-consider ko na talaga siya. Gusto ko na maging parent. Kasi dati, sabi ko, ‘No, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. 

“Tapos eventually nag-grow sa akin yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat ang target ko, para ito sa mga bata.

“Feeling ko I can be a great parent. Nararamdaman ko na sa sarili ko ‘yun,” pahayag pa ng Phenomenal Box-office Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nae-excite na rin sa konsepto ng… oh my God one of these days baka magpakasal ako. Nae-excite rin ako. Lalo na kapag nararamdaman ko na ang daming nagsu-support sa love namin ni Ion sa isa’t isa. Kinikilig ako,” sey pa ng komedyante.

Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; ‘ultimate goal’ sa relasyon ang pagpapakasal

Mark Anthony kontra sa pagkakaroon ng beking presidente: Hindi ako papayag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending