Mariel Rodriguez ibinuko ang 'sikreto' nila ni Robin Padilla | Bandera

Mariel Rodriguez ibinuko ang ‘sikreto’ nila ni Robin Padilla

Therese Arceo |February 15,2022
facebook
share this

Mariel Rodriguez ibinuko ang ‘sikreto’ nila ni Robin Padilla

Therese Arceo - February 15, 2022 - 05:26 PM

Mariel Rodriguez ibinuko ang 'sikreto' nila ni Robin Padilla

IBINUKING mismo ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez na wala silang wedding ring ng asawang si Robin Padilla sa kabila ng pagiging kasal nila ng matagal na panahon.

Inamin ito ng asawa ni Robin matapos niyang makita ang Instagram post ni Angel Locsin isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Sa post ni Angel, “Sabi ko simplehan lang! May pa-wedding ring si Mr. Arce. Finally, may wedding rin na rin kami. Thank you my love @neil_arce”

Dito na nga tuluyang inamin ni Mariel na maging sila ni Robin ay walang naging wedding ring.

“obpa rin mars. Hehehe. Happy Anniversary,” comment ni Mariel.

Reply naman sa kanya ni Angel, “Tawang tawa kami ni Neil. Singilin mo na si Kuya @robinhoodpadilla.”

Matatandaang August 2010 nang magpakasal sina Mariel at Robin sa Taj Mahal na matatagpuan sa Agra, India.

May isang netizen naman ang tila nagtataka kung bakit at paano nakapagpakasal ang dalawang couple kung hindi nagkaroon ng wedding ring sina Mariel.

Pagkukwento kasi ng netizen, nang ikasal raw kasi sila ng asawa ay hinanapan sila ng singsing kaya nagtataka siya kung bakit walang wedding ring ang mga celebrity couple.

“How do you get married without a ring? I thought that’s the main thing you need first? No hate po just asking,” comment ng isang netizen.

Sagot naman ng isang IG user na si @gigivinas19, “Ako kinasal sa civil, wala naman hiningi na singsing si judge. Kaya sinuot namin yung ring pagkatapos na ng kasal sa resto.”

Malay naman natin, baka sa mga susunod na araw ay magkaroon na rin ng wedding ring sina Mariel gaya nila Angel lalo na’t naka-tag sa comments si Robin Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marahil ay sa ngayon, abala ang asawa sa pangangampanya dahil kasalukuyan itong tumatakbo sa pagka-senador ngayong 2022 elections.

Related Chika:
Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa
Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending