JC de Vera mas bet ang 'finger heart' kaysa 'peace sign', bakit kaya? | Bandera

JC de Vera mas bet ang ‘finger heart’ kaysa ‘peace sign’, bakit kaya?

Therese Arceo |February 11,2022
facebook
share this

JC de Vera mas bet ang ‘finger heart’ kaysa ‘peace sign’, bakit kaya?

Therese Arceo - February 11, 2022 - 10:25 PM

JC de Vera mas bet ang 'finger heart' kaysa 'peace sign', bakit kaya?
MAINIT ngayon sa social media ang aktor na si JC de Vera matapos ang trending reply nito sa mga netizens na nagko-comment sa kanyang Facebook page.

May post kasi ang aktor na mga larawan sa kanyang page na kuha sa “It’s Showtime” kung saan isa siya sa mga hurado o ang sexy authoriTeam sa segment na “Showtime Sexy Babe” ng Kapamilya noontime show.

Sa naturang larawan ay makikitang naka-peace sign si JC kaya naman maraming netizens ang nag-akala na ito ay pasimpleng paraan ni JC para magbigay suporta sa presidential candidate na si Bongbong Marcos at ang running mate nito sa pagkabise presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ngunit marami sa mga nag-comment na netizens ang nagulat dahil nang tanungin nila ang aktor ay tanging isang salita lang ang reply nito sa kanila.

“BBM ka na JC de Vera para mas mahalin kita lalo,” comment ng isang netizen.

“Nope,” maikling reply ni JC.

Halos lahat ng mga nagkokomento ay nagkokonekta ng kanyang litrato sa presidential candidate ay nireplyan ng Kapamilya actor ng “nope”.

May isa pang netizen ang nagsabi na nagpapakipot lang daw si JC at ayaw aminin na so Bongbong ang sinusuportahan nito dahil ayaw niyang ma-cancel ng madlang pipol.

“Nope,” muling sagot ni JC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isang FB user naman ang nag-comment at nilinaw na si Vice President Leni raw ang sinusuportahan ng aktor.

Tanging heart emoji na kulay pink lamang ang itinugon ni JC sa kinumento ng netizen.

Samantala, pink ang campaign color ng isa pang kumakandidatong sa pagka-presidente na si VP Leni Robredo.

At nito ngang Biyernes, February 11 ay finger heart ulit ang ginawang pang-bati ni JC sa madlang pipol.

Samantala, kaabang-abang naman ang magiging production number ng aktor para sa huling araw niya bilang hurado para sa “Showtime Sexy Babe”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha habang nagre-rehearse siya kasama sina Charlie Dizon, D Grind, at ang mga nagwaging kandidata sa “It’s Showtime” segment ngayong linggo.

Related Chika:
JC de Vera: 100% loyal at faithful ako sa mga taong bibigyan ko ng pagmamahal
Sa wakas, church wedding nina JC de Vera at Rikkah Cruz natuloy na: The stars finally aligned!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending