Barbie sa biglang paghihiwalay nila ni Diego: Hindi siya bad breakup, hindi rin kami magkaaway | Bandera

Barbie sa biglang paghihiwalay nila ni Diego: Hindi siya bad breakup, hindi rin kami magkaaway

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

Barbie sa biglang paghihiwalay nila ni Diego: Hindi siya bad breakup, hindi rin kami magkaaway

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 01:22 PM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

“HINDI naman siya bad breakup,” ang ipinagdiinan ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial tungkol sa biglang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.

Paglilinaw ng dalaga, hindi totoong magkaaway sila ngayon ng hunk actor tulad ng mga naglalabasang tsismis sa social media.

Sa panayam ng Inside News ng Star Magic, maayos ang naging paghihiwalay nila ni Diego at okay naman daw sila ngayon after the controversial break-up.

“We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.

“I think it’s for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,” ang pahayag pa ni Barbie.

Natanong din ang aktres kung paano niya hina-handle ang sitwasyon niya ngayon, lalo na’t alam naman ng madlang pipol kung gaano nila minahal ni Diego ang isa’t isa.

“Well, ngayon po kasi ang dami ko talagang ginagawa. Nag-start na rin ako ng golf and before golf kasi nagte-tennis ako and workout everyday.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


“Tapos ito ngayon ‘Showtime.’ Busy din naman. And I am actually okay, happy naman ako,” tugon ni Barbie na isa nga ngayon sa mga hurado sa “Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime.”

Nauna rito, matapang na inamin ni Barbie na totoong hiwalay na sila ni Diego at sa ngayon at focus muna siya sa kanyang sarili at sa kanyang showbiz career.

Sabi ng dalaga, “Natutunan ko na baka kaya paulit-ulit na nangyayari sa akin kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko. 

“Kasi it’s like all the same story each boyfriend. So for me what if ibahin ko ngayon, sarili ko muna ang mahalin ko,” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa sa mga dapat abangan ng mga fans ng aktres ay ang pagbibida niya sa iWantTFC’s original series na “The Goodbye Girl” mula sa Dreamscape Entertainment na mapapanood na simula sa Feb. 14.

Paghihiwalay ng kontrobersyal na showbiz couple may mas malalim pang dahilan

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending