Kandidato sa Eleksyon 2022 hindi tinanggap ang alok na milyun-milyong campaign funds
ISA pala sa kumakandidato para sa national position ay hindi tumatanggap ng donasyon kahit sandamakmak na ang nag-o-offer sa kanya.
At talagang malulula ka sa laki ng ibibigay sa kanya, pero lahat ay tinatanggihan niya.
Ang katwiran ng kandidato ay baka raw singilin siya halimbawang manalo, e, hindi niya kayang ibigay kung anuman ang hihilingin sa kanya.
Kilala ang kandidatong ito na malinis ang record pagdating sa usaping pera at walang balitang nangurakot o nasabit sa anumang money matters dahil para sa kanya mas mahalaga ang dignidad at serbisyong tapat kaysa sa mabahiran ng hindi maganda ang pangalan at pagtatrabaho niya.
Mas okay na siya na lang daw ang magbigay ng tulong hangga’t kaya niya kaysa mangurakot sa kaban ng bayan na isa sa dahilan ng patuloy na pagdami ng mahihirap na Filipino.
Hindi pinakikialaman ng kandidatong ito ang ibang tumatakbong politiko — national at local – na kaliwa’t kanan ang financier o supporters dahil to each his own daw.
Basta siya hindi siya tatanggap para wala siyang pagbabayaran pagdating ng araw dahil ang pagsisilbihan lang niya ay ang taumbayan.
Sana lahat ng kandidato ay katulad ng bida sa blind item namin para walang korupsyon.
Limitado ang makinarya ng kandidatong ito kaya sana mapansin siya ng lahat, ‘yun lang paano magiging aware ang tao kung blind item namin siya isinulat?
“Malalaman naman kung sino kasi walang TV ads at at kung anu-ano pa kasi hindi kayang magbayad ng mahal na ads both sa TV, radio at online,” say pa ng aming source.
https://bandera.inquirer.net/298031/xian-gaza-biglang-kambyo-sa-pasabog-na-blind-item-diego-barbie-dedma-lang
https://bandera.inquirer.net/301063/gerald-anderson-nagpaabot-ng-donasyon-sa-mga-biktima-ng-bagyong-odette
https://bandera.inquirer.net/288668/hugot-ni-andrea-torres-kung-ano-ang-ibibigay-mo-sa-mundo-yun-ang-babalik-sa-yo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.