Claudine nagbabu sa showbiz noon para sa mga anak: Ayokong ma-feel nila na wala na silang tatay, wala pa silang nanay | Bandera

Claudine nagbabu sa showbiz noon para sa mga anak: Ayokong ma-feel nila na wala na silang tatay, wala pa silang nanay

Ervin Santiago - February 07, 2022 - 07:39 AM

Claudine Barretto, Sabina at Santino

PARA sa kapakanan ng kanyang mga anak kaya nagdesisyong tumigil muna sa pag-aartista si Claudine Barretto.

Napakasakit man para kay Claudine ang iwan ang mundo ng showbiz, mas nanaig ang pagiging nanay niya para matutukan ang pag-aalaga sa dalawang anak na sina Sabina at Santino. May dalawa pa siyang adopted children, sina Quia at Noah.

Pero agad nilinaw ng aktres, kahit na ilang taon siyang nawala sa limelight, wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya.

“It was a very painful decision for me to leave showbusiness so that I could focus on my children. Kasi nga my ex-husband (Raymart Santiago) and I, we were separated already. 

“So I didn’t want yung kids ko to ever feel na wala na silang tatay, wala pa silang nanay. So it was a very painful and conscious decision to leave showbiz. 

“Looking back, I’d still do the same thing. It was all worth it naman. Worth it naman talaga kasi ang babait ng mga anak ko. 

“Ang ganda ng bond namin. At least yung formative years nila talagang nandu’n ako,” pahayag ni Claudine sa  ginanap na virtual mediacon para sa reunion movie nila ni Mark Anthony Fernandez na “Deception” na napapanood na ngayon sa Vivamax.

View this post on Instagram

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Naikuwento rin ng aktres na hindi nagkaroon ng problema sa unang pagsabak niya sa lock-in taping para sa nasabing movie lalo pa’t pinayagan siyang isama ang kanyang mga anak.

“Working during a pandemic siyempre you’re very cautious, you’re very careful, and mahirap talaga kasi lahat kailangan naka-swab, lock-in shooting kami. 

“I’m just thankful kasi pinayagan akong dalhin yung mga anak ko. Kasi mahihirapan ako mag-lock-in shooting na hindi ko kasama yung mga anak ko. Hindi ako makaka-focus nang maayos. 

“Kasi Pampanga kami nag-shooting. I think yun yung pinaka-main concern na you’re working but at the same time alam mo na any time you can get hit by COVID,” paliwanag ni Claudine.

Ang “Deception” ay streaming na exclusively sa Vivamax. Ito’y sa direksyon ni Joel Lamangan, mula sa Viva Entertainment at Borracho Films. 

https://bandera.inquirer.net/288418/claudine-aprub-sa-boyfriend-ng-anak-na-si-sabina

https://bandera.inquirer.net/279561/hugot-ni-claudine-tungkol-sa-taong-sinungaling-ipokrita-para-nga-kaya-kay-julia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280884/secret-fantasy-ni-enchong-kinky-stuff-sa-eroplano-erich-4-ang-gustong-anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending