Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa'y mapatawad mo ako | Bandera

Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa’y mapatawad mo ako

Therese Arceo |February 05,2022
facebook
share this

Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa’y mapatawad mo ako

Therese Arceo - February 05, 2022 - 02:13 PM

Xian Gaza nag-sorry kay Barbie Imperial: Nawa'y mapatawad mo ako

MUKHANG natupad na ang pangarap ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Christian “Xian” Gaza dahil kahapon lang nang kumpirmahin ni Barbie Imperial na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Matapos ang ilang araw na pananahimik sa isyu na hiwalay na sila ay nagsalita na ang aktres ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Unang kumalat ang chika na hiwalay na ang dalawa matapos lumipad patungong Amerika si Diego nang mag-isa at wala ring naging bati ang dalawa sa isa’t isa noong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

At mukhang si Xian nga ang pinakamasayang tao ngayon matapos ang kumpirmasyon ng aktres.

Noon pa man kasi ay iniintriga na niya ang relasyon ng dalawa. Dinamay pa nga niya ang kanyang kaibigang si AJ Raval noon bagay na naging sanhi para magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang dalawang aktres.

Sa Facebook post ngayong araw ni Xian ay ibinahagi niya ang screenshot ng message niya kay Barbie kung saan humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya noon.

“Alam mo ba kung bakit paborito kong guluhin ang buhay mo? Kasi may gusto ako sayo. Goal ko talaga na maghiwalay kayo ni Diego,” paglalahad niya.

Dagdag pa ni Xian, “Hindi mo deserve ang isang lalaking mama’s boy at palaging nahingi ng pera sa ama. Ika nga sa Lumang Tipan, you deserve better.”

Aniya, aware naman daw siya na hindi maganda ang pakikitungo niya sa aktres at ginawa lang niya iyon para bigyan siya ng atensyon ng dalaga.

“Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo for the last 3 months kaya ako’y kinasusuklaman mo. Ginawa ko lamang lahat ng ito upang magpapansin sayo. Nawa’y mapatawad mo ko upang majapagsimula tayo ng bago,” sey ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala namang sagot si Barbie sa mensahe sa kanya ng self-proclaimed Marites.

Related Chika:
True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?
Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending