Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, 'wag kakahol? | Bandera

Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol?

Therese Arceo |February 04,2022
facebook
share this

Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol?

Therese Arceo - February 04, 2022 - 10:09 AM

Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, 'wag kakahol?
BUMWELTA ang “It’s Showtime” Miss Q&A 2018 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa mga netizens na na-trigger sa parody version niya ng viral campaign video ni Angelica Panganiban mula sa Young Public Servants.

Paggising raw kasi niya ay napakaraming hate messages ang kanyang natanggap mula sa mga taga-suporta ng mga tumatakbo sa pagkapresidente.

“Pag gising ko today may galit na Leni supporters, BBM supporters, Isko supporters, Lacson supporters, Pacman supporters. Bakit po galit?

“Litong lito ba kayo para kanino ‘yung video? Wala namang pangalan ‘di ba? Akala ko ba basta walang pangalan wag kakahol?” saad ni Juliana.

Aniya, wala naman siyang pinapatamaant kandidato at lahat naman daw ng mga ito ay “nagbabait-baitan” lamang. Hindi lang daw ang mga tumatakbo sa pagkapresidente bagkus maging sa mga lokal na posisyon ay ganoon rin.

“Masyado pang maaga para pumili. Kalma lang. Ako nga wala pa rin napipili e. At aminin n’yo man o hindi, lahat ng kandidato sa eleksyon mula sa pagkapangulo hanggang sa brgy. kagawad, lahat yan bait-baitan pag eleksyon, mga maawain, kunyari nagmamalasaki, mga pa-victim, pero kapag nakapwesto na?

Ay, ewan ko na lang kung kilala ka pa. Kaya ‘yung video para ‘yun sa lahat. Kaya wag muna mainis, mahal ang patis,” dagdag pa ni Juliana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)

May pahabol pa nga ang komedyante ba gagawa pa raw sila ng isa pang video at papangalanan na nil kung sino ang pinatutungkulan nila ngunit pag-iisipan pa raw kung sino ito.

Marami naman sa mga netizens ang umalma sa kanyang post sabay pakita ng resibo ng kanyang post noong October 8, 2021 kung saan nagpakita siya ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

“So nakiuso ka lang nung #WearPink para maging relevant ka?” matapang na comment ng isang netizen.

“Laos na kasi at wala ng show kaya benta benta na lang ng prinsipyo,” hirit pa ng isang netizen.

May ilang netizens pa ang nagsasabi na “it’s all about the money” at “clout chasing” lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot naman ni Juliana ang isyu patungkol sa kanyang post noong Oktubre.

“May batas ba [na] nagsasabi ba bawal magbago ng isip pag may napili na.. Anong article? Ano ba tawag dun, “touch move”? Teka hanapin ko ah,” sey ni Juliana.

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia hindi na matiis ang panlalait kay Brenda Mage: Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya
Juliana Parizcova Segovia naka-jackpot sa Viva; hugot na hugot ang drama sa ‘Gluta’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending