Boobay hindi pa rin nakaka-move on sa ex-BF: Pero tanggap kong hindi na pwedeng maging kami | Bandera

Boobay hindi pa rin nakaka-move on sa ex-BF: Pero tanggap kong hindi na pwedeng maging kami

Ervin Santiago |February 03,2022
facebook
share this

Boobay hindi pa rin nakaka-move on sa ex-BF: Pero tanggap kong hindi na pwedeng maging kami

Ervin Santiago - February 03, 2022 - 07:08 AM

Kent Resquir at Boobay

HANGGANG ngayon ay apektado pa rin ang Kapuso TV host at comedian na si Boobay sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Kent Resquir.

Aminado ang komedyante na until now ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa nasirang relasyon nila ni Kent na tumagal din ng siyam na taon.

Matatandaang naghiwalay si Boobay o Norman Balbuena sa tunay na buhay at si Kent noong July, 2021 na ikinagulat ng kanilang mga kaibigan at tagasuporta.

Sa guesting ni Boobay sa Kapuso morning show na “Mars Pa More” ay diretso niyang sinabi na hindi pa talaga siya tuluyang nakakawala sa past nila ng dating dyowa.

“Hindi pa ako naka-move on, pero in a way na tanggap ko na na hindi na siguro pwede maging kami. 

“Pero ‘yung move on na kahit paano sana na personal, malaman ko ‘yung dahilan talaga (ng pakikipaghiwalay ni Kent), kasi hindi pa, e,” paliwanag pa ng host ng “The Boobay And Tekla Show” (TBATS). 

Pahayag naman ng “Mars Pa More” host na si kay Camille Prats, hindi na raw kasi kinaya nina Boobay at Kent ang kanilang LDR o long-distance relationship. 

Nagtatrabaho kasi si Kent sa Australia bilang physiotherapist habang narito naman sa Pilipinas si Boobay. Si Kent ang nakiusap sa komedyante na palayain muna siya habang namumuhay mag-isa sa ibang bansa.

Sa isang panayam, sinabi rin ni Boobay na kinimkim lang niya ang naramdamang sakit at sama ng loob nang makipaghiwalay sa kanya ang ex-boyfriend.

Hindi raw kasi siya nabigyan ng pagkakataon na ilabas ang kanyang saloobin nang magdesisyon sila ni Kent na tapusin na ang kanilang relasyon.

In fairness, sino ba naman ang hindi masasaktan at manghihinayang sa siyam na taong relasyon na inakala mong pang-forever na? 

Sinabi ng komedyante na hindi siya nagalit kay Kent nang hilingin nito na maghiwalay na sila, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay napakarami niyang tanong sa dating kasintahan.

“Hindi ako mananatili roon sa kalungkutan na ipinagkaloob sa akin kasi sa kabila ng mga lungkot na nadarama ko ngayon, may mga blessings na dumating,” pahayag ng stand-up comedian.

View this post on Instagram

A post shared by @boobay7


“Pero kung tinatanong n’yo ‘yung puso ko, siyempre nasaktan, Kuya Betong. Sino’ng hindi masasaktan?” pag-amin niya.

Sa tanong kung may panghihinayang ba siya sa nangyari, “May pagtatanong. Bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mailabas ‘yung nararamdaman ko.”

Dito na niya nasabi na hindi niya nagawang magalit kay Kent dahil mas nangibabaw ang pagmamahal at respeto niya sa kanyang ex.

“Kasi nga siguro dahil ang iniisip ko palagi na ‘Balikan mo. Ano ba ‘yung natutunan mo sa taong ‘yon? Ano rin ba ang naibigay sa ‘yo ng taong ‘yon? Sino-sino ba ‘yung mga taong naging parte na rin ng buhay mo simula nang nakilala mo ‘yung taong ‘yon, ‘di ba?’

“Hindi ko pa siya naiiyak, Kuya Betong. Doon din ako thankful at the same time kay Lord kasi hindi niya hinayaan na ma-depress ako,” chika pa ni Boobay.

“Noong nakipag-break siya sa akin, sabi ko ‘Don’t worry. Sige, ibibigay ko na sa ‘yo ‘yan. Birthday gift ko na sa ‘yo dahil ‘yan ang request mo,” aniya pa.

Mensahe pa niya kay Kent, “Sana naging tama ‘yung desisyon mo. At nae-enjoy mo muna ang pagiging single. Sana totoo na ‘yun ‘yung reason.

“Alam ko kung gaano siya ka-workaholic. Alam ko kung ano ‘yung pangarap niya for his family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay lang sa akin ‘yun kahit wala ako roon sa frame, as long as it’s for the family, para sa sarili niya. Sana more pa ‘yung success niya. And syempre laging put your feet on the ground. Sana you don’t forget our memories,” pahayag pa ni Boobay.

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…

Bea kumasa sa birit showdown; Bianca umaming ‘very much in love’ ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending