Angelica ilang beses nagpakatanga sa love: Minahal ko, e, pero wala! Nganga! Mambubudol pala! | Bandera

Angelica ilang beses nagpakatanga sa love: Minahal ko, e, pero wala! Nganga! Mambubudol pala!

Ervin Santiago - February 02, 2022 - 09:17 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

PATOK na patok sa madlang pipol ang mga pasabog na hugot ni Angelica Panganiban para sa nalalapit na May, 2022 presidential elections.

Ginagamit ngayon ng Kapamilya actress ang pagiging “Hugot Queen” sa pagbibigay ng paalala at babala sa sambayanang Filipino na maging wais sa pagboto ng mga ihahalal sa posisyon.

Ayon kay Angelica, hindi lang sa larangan ng pag-ibig dapat maging choosy ang mga Filipino kundi pati na rin sa pagpili ng mga nararapat na kandidato sa darating na eleksyon.

At para mas mapatindi at mapalawak pa ang kanyang hangaring makatulong sa mga botanteng Pinoy, nakipag-collaborate rin ang aktres sa Young Public Servants.

Ang YPS ay isang grupo ng mga kabataan “advocating for good governance, for a public service reminder about electing officials in May, 2022.”

Sa isang video clip na inilabas kahapon sa social media, mapapanood si Angelica na nagbabahagi ng kanyang mga mapait at nakakalokang karanasan sa failed relationships.

Ginamit niya ang mga hugot sa pagkabigo sa pag-ibig para paalalahanan ang sambayanan na huwag na huwag nang magpapaloko at magpapabudol sa mga manloloko.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak, beh! Dapang-dapa! Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap.”

Patuloy pa ng dalaga, “Minahal ko, e. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero, wala! Nganga! Mambubudol pala!”

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ipinagdiinan din niya na maraming beses na rin siyang naloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya, “Nakakapagod din maging tanga.”

“Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. It’s not worth it! I’ve learned my lesson. Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko,” ang lahad pa ng aktres.

Kasunod nito, diretsahan nang sinabi ni Angelica na pag-isipang mabuti at mas maging matalino sa pagpili ng ibobotong pangulo sa nalalapit na eleksyon para hindi na mabiktima ng mga manloloko at sinungaling.

“Ingat-ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang biodata mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references.

“Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw!” ang matapang pang panawagan ni Angelica.

https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282517/john-lloyd-responsableng-tatay-binati-ng-congratulations-sina-ellen-at-derek
https://bandera.inquirer.net/287776/erich-type-bumida-sa-pinoy-version-ng-k-drama-na-mine-walang-balak-mag-quit-sa-showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending