Francine Diaz certified 'NBSB', pero payag daw magdyowa kapag dumating na si 'Mr. Right' | Bandera

Francine Diaz certified ‘NBSB’, pero payag daw magdyowa kapag dumating na si ‘Mr. Right’

Ervin Santiago |January 31,2022
facebook
share this

Francine Diaz certified ‘NBSB’, pero payag daw magdyowa kapag dumating na si ‘Mr. Right’

Ervin Santiago - January 31, 2022 - 02:00 PM

Francine Diaz

ISANG rebelasyon ang ibinandera ng Kapamilya young actress at vlogger na si Francine Diaz kasabay ng selebrasyon ng kanyang 18th birthday.

Inamin ng dalaga na never pa raw siyang nagka-boyfriend kaya naman maituturing din siyang certified “NBSB” o no boyfriend since birth.

Kuwento ng aktres nang mag-guest siya sa bagong YouTube vlog ni Karen Davila, feeling niya parang walang lalaking naglalakas-loob na pormahan o ligawan siya.

“Wala po, promise po. Ang daming hindi naniniwala kapag sinasabi kong wala pang nanliligaw. Wala po talaga,” pahayag ng debutante.

“Wala rin naman pong umaamin kaya wala rin po akong reason para mag-boyfriend,” ang tila may hugot na sagot pa ni Francine.

Ngunit sinabi naman ng dalaga na hindi naman niya isinasantabi ang posibilidad na magka-boyfriend at gusto rin daw niyang maranasan ang ma-in love habang teenager siya.

Chika ni Francine, “Siyempre gusto ko rin pong ma-experience kasi parang feeling ko iba rin ‘yung love na maibibigay ko sa teenage years ko kapag adult na ako. Kaso wala, e. So, career na lang muna mas may pera pa ‘ko. Ha-hahaha!”


Pero wala rin naman daw siyang magagawa sakaling hindi talaga dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya ngayong 18 na siya.

Samantala, nasabi rin ng miyembro ng The Gold Squad sa vlog ni Karen na hindi rin siya nagmamadaling magkaroon ng bagong ka-loveteam. Ito’y sa gitna nga ng mga chika na hindi raw muna sila pagtatambalin ni Kyle Echarri sa next projects nila.

“Ako po, siguro kahit sino basta mabait siya. Hindi naman po ako talaga naghahanap agad ng bagong ka-loveteam basta po ‘yung makakasundo ko, at siyempre respect sa aming lahat, sa amin nina mama pati sa akin,” sey ni Francine.

Kalat na kalat na ngayon ang chika na nagdesisyon na umano ang mga taong nangangalaga sa kanilang career na huwag munang bigyan ng bagong project together ang tambalang KyCine. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang dahilan kung bakit malungkot at low morale ang ilang fans nina Francine at Kyle pero may iba namang supporters ang dalawa na nagsabing keribels lang ang pansamantalang paghihiwalay ng KyCine as loveteam.

Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Madam Inutz online seller noon, certified recording artist na ngayon; Salamat Sir Wil!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending