Paolo Gumabao 'inabuso' noon ng teacher at kaklase; Angeli Khang nagplantsa nang hubo't hubad | Bandera

Paolo Gumabao ‘inabuso’ noon ng teacher at kaklase; Angeli Khang nagplantsa nang hubo’t hubad

Ervin Santiago |January 31,2022
facebook
share this

Paolo Gumabao ‘inabuso’ noon ng teacher at kaklase; Angeli Khang nagplantsa nang hubo’t hubad

Ervin Santiago - January 31, 2022 - 07:29 AM

Paolo Gumabao at Angeli Khang

MATINDI rin pala ang pinagdaanan ni Paolo Gumabao noong kabataan niya — biktima rin kasi siya ng pambu-bully hindi lang ng kanyang mga kaklase kundi pati na rin ng mga teacher.

Naikuwento ito ng hunk actor dahil tungkol nga sa isyu ng pang-aabuso at domestic violence ang bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Silip Sa Apoy” na idinirek ni Mac Alejandre.

Ayon kay Paolo, hindi pa rin niya nakakalimutan hanggang ngayon ang pang-aabusong ginawa sa kanya ng mga dati niyang guro at kaklase noong sa Taiwan pa sila nakatira.

“Ang pinakanaaalala ko na abuse sa buhay ko is nu”ng time na nasa Taiwan ako, dun pa ako nag-aaral, when I was in elementary.

“I was studying in a traditional Chinese school. I was the only foreigner there, I was the only one who look different and I was the only Filipino,” simulang pag-alala ni Paolo.

“Sa Taiwan kasi, medyo they look down on us Filipinos, lalo na iba yung hitsura ko sa kanila. The students would physically abuse me, like it gets physical a lot of times, actually.

“What’s crazy about it is pati yung teachers… the teachers would verbally abuse me.

“Halimbawa, when I was in third grade, I remember, my Science teacher, pinaharap niya ako sa lahat ng mga kaklase ko in the classroom,” lahad pa ng aktor na palaban din pagdating sa hubaran at love scene.

Patuloy pa niyang pagbabalik-tanaw, “Aminado ako, medyo makulit ako noong bata ako. Pero in third grade, pinaharap niya ako sa mga kaklase ko. And in Chinese, she said na, ‘Don’t be friends with this kid because when he grows up, he will be trash.’

“I walked out then went straight to the bathroom after that. Yun lang naman.

“Pero pagdating ko sa Pilipinas, luckily, okay na lahat. My family is very loving, never kami nagkaroon ng ganoong tipo ng problem sa family namin, which I am very fortunate for that,” chika pa ng kapatid sa ama ni Marco Gumabao.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Samantala, totoo nga ang sinabi ni Direk Mac na maloloka ang mga manonood ng “Silip Sa Apoy” lalo na sa pasabog na eksena ni Paolo habang naninilip sa dingding at pinanonood ang pagse-sex ng mga karakter nina Sid Lucero at Angeli Khang.

Napanood na namin ang pelikula at talaga nga namang nakakaloka ang bawat eksena ng tatlong bida, lalo na nang malaman ni Sid na may nangyayari na kina Paolo at Angeli.

May isa ring eksena si Angeli sa pelikula siguradong ikaka-shock ng mga viewers, ito yung nagpaplantsa siya nang hubo’t hubad! Wala lang, naaliw lang kami sa eksenang yun. 

Pero bukod sa mga sex scenes at ang pagpapakita uli ni Paolo ng kanyang pagkalalaki, maganda rin ang kuwento ng “Silip Sa Apoy” at im fairness uli, hindi nagpahuli si Angeli sa husay ng dalawa niyang leading man.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ngayon ang “Silip Sa Apoy” sa Vivamax na siyang number one ngayon sa nasabing streaming app. 

Hugot ni Barbie sa 1st anniv nila ni Diego: You taught me how to be strong…I love you so much!

Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending