Joshua Garcia may babala sa netizens: I don't have Facebook page! Bandera

Joshua Garcia may babala sa netizens: I don’t have Facebook page!

Therese Arceo |January 28,2022
share this

Joshua Garcia may babala sa netizens: I don’t have Facebook page!

Therese Arceo January 28, 2022 - 09:11 AM

Joshua Garcia may babala sa netizens: I don't have Facebook page!

NILINAW ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na hindi niya pagmamay-ari ang trending post mula sa isang Facebook page na may pangalan niya.

Agad kasing kumalat sa social media ang post ng page na may pangalang “Joshua Garcia” kung saan kasama niya ang aktres na si Ria Atayde na may caption na “Ikaw ang aking liwanag.”

Marami naman sa mga netizens ang kinilig sa naturang post at inakala na may espesyal na namamagitan sa dalawang Kapamilya stars.

Pero ayon sa aktor ay hindi niya ito pagmamay-ari at wala rin siyang Facebook page.

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you,” paglilinaw niya sa kanyang Instagram story.

“Rii look @ria. Thank you @kyleechari bro!” dagdag pa ni Joshua.

Nagmula ang litratong ginamit ng nasabing page sa Instagram account ni Kyle Echarri.

Kuha ang nasabing larawan noong nagkaroon ng getaway ang magkaibigan kung saan kasama rin nila sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na na-link sina Joshua at Ria.

Magmula nang unang makasama si Joshua sa barkadahan nina Kathryn at Daniel ay madalas na silang ipag-pair ng mga netizens dahil talaga namang may chemistry ang dalawa.

Ito ay nagsimula noong lumabas sila kasama sina DJ, Kath, Sofia Andres, at Daniel Miranda. Dahil na rin siguro sa couples ang kasama nila at sila ang natirang single kaya agad silang pinagtambal ng mga netizens.

Sa katunayan ay may fan base na nga ang dalawa dahil lagi silang nasi-ship sa mga barkada posts nila.

Sa isang interview ni Ria kina Bianca Gonzalez at MJ Felipe noong September 2021 ay sinabi niyang isa sa kanyang mga good friends ang aktor.

“Joshua is a very good friend. He’s one of the… See? That’s the thing, e. It’s so hard to… I’m sure you also have guys friends that you are super comfortable with,” saad ni Ria.

“It’s really… we’re friends and it’s funny. Like ‘Seryoso? Joke ba to?’. Every time I see that, I’m like ‘huh?”,” dagdag pa niya.

Bago pa man umugong ang chika na may “something” sa kanila sy aminado na si Ria na close sila ni Joshua dahil naging apo ng kanyang ina na si Sylvia Sanchez ang aktor sa isang Kapamilya teleserye na “The Greatest Love”.

Related Chika:
Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him
Joshua sinagip nina Kathryn, Daniel, Ria at Sofia habang ‘nalulunod’ sa kalungkutan

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending