Mula kay Darius ng de la Pedra ng Borongan, Samar. May dalawang nililigawna akong babae, sino ba ang mas ka-compatible ko sa kanilang dalawa? November 25, 1991 ang birthday ko at ang dalawang babaing nililigawan ko ay si Ms. Virgo na isinilang nuong August 30, 1993 at si Ms. Leo na isinilang noong August 2, 1994.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong November 25, 1991, si Ms. Leo na isinilang nuong August 2, 1994 ang ka-compatible mo. Nangyari, dahil ang birth date mong 25 at 2 naman siya, gayon din ang zodiac sign mong Sagittarius at Leo naman si Ms. Leo ay sadya ngang tugma at compatible kayo sa isat-isa, kaya malaki ang tsansa na hindi mo lang siya magiging girlfriend sa halip sa bandang huli maaaring tuluyan mo na rin siyang mapapangasawa.
>>>
Mula kay Sheila May ng …4321, Talisay, Cebu. September 10, 1974 ang birthday ko. Ako po ay isang biyuda sa edad kong 39 years old gusto ko uling makapag-asawa. May pag asa pa kaya akong makapag-asawa at magkaroon ng isang masayang love life?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 10, 1974, malaki pa ang pag-asa na ikaw ay makapag-asawa, at ito ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2014 sa edad mong 40 pataas, hatid ng isang lalaking medyo mataba na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.
>>>
Mula kay Kristel ng …9901, Kolambugan, Lanao, del Norte. April 28, 1984 ang birthday ko. Makapag-aabroa po ba ako kahit na D.H. lang sa Hong Kong?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 28, 1984, makapag-aabroad ka at ang pangngibang bansang nabanggit ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2014 sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre sa edad mong 29 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.