Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now Bandera

Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now

Ervin Santiago |January 24,2022
share this

Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now

Ervin Santiago January 24, 2022 - 07:30 AM

Donny Pangilinan at Belle Mariano

HINDI diretsong sinagot ni Donny Pangilinan ang tanong kung in-love na ba siya sa ka-loveteam na si Belle Mariano, pero mukhang mas naging malalim pa ngayon ang kanilang special friendship.

Feel na feel ng Kapamilya young actor ang on-screen partnership nila ni Belle dahil na rin sa patuloy na pagmamahal at suporta ng mga DonBelle fans all over the world.

Ayon kay Donny, habang tumatagal ay marami pa siyang mga bagong nadi-discover sa dalaga na mas lalong nagpapaangat sa personality at mas nakikilala pa niya ito sa pagdaraan ng mga araw.

“Belle and I are in a happy place right now. We are very grateful for our situation. Blessed to be an inspiration to many people, hopefully. We’re blessed to be having these projects together,” ang pahayag ng aktor sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa bago nitong vlog sa YouTube.

Habang inililibot ni Donny sa kanyang bachelor’s pad ang news anchor ay sinasagot naman niya ang mga intriguing questions about him and Belle.

Inisa-isa rin ng binata ang mga qualities na hinahangaan niya sa kanyang ka-loveteam, “What I like about her, she’s herself. Sometimes to a fault, but in a good way.

“She just separates herself and she goes with what she thinks her life. Doesn’t care what other people say. And I admire that about her. She’s very focus,” pahayag pa ni Donny.


Inamin din niya na talagang kumportableng-kumportable na siyang kasama si Belle pero isang malakas at makahulugang tawa lang ang isinagot niya sa tanong kung nai-in-love na ba siya sa ka-loveteam.

Samantala, napag-uusapan din nila ni Belle ang kanilang mga bashers at haters at kung paano nila haharapin o lalabanan ang mga ito. Ilang beses na ring ipinagtanggol ni Donny ang dalaga mula sa mga netizens na nangnenega at nambu-bully dito.

“First of all, we don’t know them. They don’t know us. Belle is so talented. She has so much ahead of her. I’m just happy that I get to witness her journey,” ani Donny.

Nagsimulang magmarka ang tambalang DonBelle sa showbiz nang gawin nila ang hit ABS-CBN series na “He’s Into Her” na sinundan ng kanilang movie na “Love Is Color Blind.”

Donny sa mga nanlalait kay Belle: Sobrang ganda niya, talented and she has a good heart…

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending