Ivana Alawi nag-positive sa COVID-19 Bandera

Ivana Alawi nag-positive sa COVID-19

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Ivana Alawi nag-positive sa COVID-19

Therese Arceo January 15, 2022 - 07:06 PM

Ivana Alawi nag-positive sa COVID-19

MALUNGKOT ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi nang ibahagi niya sa kanyang latest vlog ang pagkakaroon niya at ng kanyang pamilya ng COVID-19.

Isa si Ivana sa mga kilalang artistang na sobrang naging maingat sa mga nakalipas na taon upang maiwasan ang nakakahawang sakit ngunit kahit sila ay hindi nakaligtas sa virus.

Pagkukwento niya, unang nagkaroon ng sintomas ang kanilang ina. Aniya, nag-negative pa raw ng dalawang beses ang ina pero giniit nito na talagang masama ang kanyang pakiramdam.

Agad namang nag-isolate si Mama Alawi nang mag-positive ang kanyang antigen test.

“Ang una niyang tinanong, siMona ba negative? Kayo negative ba?” pagkukwento ni Ivana.

Makalipas ng dalawang araw ay siya naman ang sumunod na nakaramdam ng sintomas at nag-positive sa sakit.

“Lord, kung bibigyan Mo kami ng COVID, okay lang na ako na lang, wag na lang si Mona. Wag lang talagang si Mona kasi hindi na niya kaya. Ang dami na niyang sakit,” hiling ni Ivana.

Hindi rin nagtagal ay nag-positive na rin ang kanyang kapatid at kapwa vlogger na si Hash Alawi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Pero thankful si Ivana dahil hindi nahawa sa kanila ang kapatid niyang bunso na si Moana.

Payo ni Ivana, “You have to take responsibility and you have to take accountability. If you are exposed, if you are not feeling well, huwag ka nang lumabas, mag-isolate ka, magpa-test ka, kasi ang hirap talaga.”

“Please be safe. Wear your mask. No one is above the law, tandaan n’yo yan. Kahit sino ka man, hindi ka pwedeng mag-break ng law,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagpapagaling sina Ivana at magkakahiwalay na naka-isolate upang maiwasan rin na may mahawaan pa sa kanilang pamilya.

Related Chika:
Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending