Vice Ganda malaki ang pasasalamat kina Vhong at Ogie: Kapag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako Bandera

Vice Ganda malaki ang pasasalamat kina Vhong at Ogie: Kapag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako

Therese Arceo |January 15,2022
share this

Vice Ganda malaki ang pasasalamat kina Vhong at Ogie: Kapag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako

Therese Arceo January 15, 2022 - 06:23 PM

Vice Ganda malaki ang pasasalamat kina Vhong at Ogie: Kapag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako

LABIS ang pasasalamat ng Unkabogable star na si Vice Ganda sa mga blessings na natanggap niya sa nagdaang 2021.

Sa kanyang latest sitdown vlog kasama ang kanyang partner na si Ion Perez ay ikinuwento nila ang kanilang mga realizations sa 2021.

Dito ay nabanggit ni Vice kung gaano siya ka-thankful sa kanyang mga “It’s Showtime” co-hosts na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid.

“Isa si Vhong sa mga main sources ko ang saya bago matapos ang 2021.

“Yung last part ng 2021, unti-unti na naming nabubuo ulit yung Showtime. Feeling ko nanumbalik yung energy ni Vhong, nung nanumbalik yung kumpyansa niya, nung nanumbalik yung saya sa mata niya, feeling ko ang laki ng epekto sa akin,” saad ni Vice.

Amin niya, sumasaya siya dahil sa kaibigan at sa tuwing sumasaya siya ay mas ginaganahan siya sa kanilang show.

“Yung ganong vibe ni Chong, nakakagaling. Parang gumagaling ako pag ganon si Vhong,” dagdag pa ni Vice.

Pinuri rin nito ang bagong addition sa kanilang “It’s Showtime” family na si Ogie Alcasid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Ang laki nung naibigay niya noong dumating siya sa Showtime. May binigay siyang bagong lasa e,” pagpapatuloy ni Vice.

Pambubuking nila ni Ion, hindi raw nila inaasahan na may “other side” pa na kayang i-offer ang nasabing actor-singer.

“Silang dalawa ni Vhong together, they madw my work a lot easier and thry made my hosting a lot happier. Silang dalawa, pag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako and hopefully, ganoon rin ako sa kanila. Sana kapag kasama nila ako, gumagaling rin sila. Sana naibibigay ko rin yung naibibigay nila sa akin,” sey pa ni Vice.

Ani Vice, masaya siyang magsasara ang 2021 at looking forward siya sa 2022 dahil masaya siya sa nangyayari sa kanilang noon time show na “It’s Showtime”.

Labis rin ang pasasalamat ni Vice sa mga bumubuo ng “It’s Showtime”, lalo na sa bagong direktor nila pati na rin sa buong management na patuloy na naniniwala at nagbibigay sa kanila ng suporta.

 

Related Chika:
Lolit pinayuhan si Vice Ganda ukol sa bashers: Hayaan mong pumutak sila

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending