Asawa't anak ni Pia Guanio nag-positive sa COVID-19 Bandera

Asawa’t anak ni Pia Guanio nag-positive sa COVID-19

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Asawa’t anak ni Pia Guanio nag-positive sa COVID-19

Therese Arceo January 14, 2022 - 02:35 PM

Asawa't anak ni Pia Guanio nag-positive sa COVID-19

HINDI nakaligtas sa nakahahawang sakit na COVID-19 ang mag-ama ng TV host at dabarkadz na si Pia Guanio.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang naka-isolate ang asawa niyang si Steeve Mago kasama ang kanilang anak na si Scarlet.

Sa video ay ibinahagi ni Pia ang kanilang pag-uusap kung saan tinatanong niya ang dalawa kung ano ang gusto nilang kainin for breakfast.

Ibinahagi rin ni Steeve sa video na ika-5th day na niya ng self-isolation samantalang ika-apat na araw naman para sa kanilang anak.

“My husband and daughter are both isolating after testing positive for COVID-19,” saad ni Pia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Guanio-Mago (@piaguanio_mago)

Labis naman ang pasasalamat niya dahil mild lang ang mga sintomas na nararamdaman ng dalawa.

“Because of God’s grace and great love , both of them are experiencing very mild symptoms and are in good spirits. Thank you Lord!” dagdag pa ni Pia.

Aniya, miss na miss na nila ang dalawa at sobra silang grateful na gumagaling na ang kanyang mag-ama.

Dumagsa naman ng dasal at suporta mula sa mga kaibigan at netizens ang IG post ni Pia.

Comment ng kaibigan niyang si Rex Atienza, “Oh my, stay healthy Steeve and Scarlet. Praying for your healing.”

“Aaaaawww… Graduate na soon! Tight hugs, Team Mago!!!” sey naman ni Kuya Tonipet.

“Pagaling kayo dabarkads..will continue praying lang po, para sa mabilis na pagaling ng may mga may sakit. In Jesus name,” saad naman ng isang netizen.

“he Lord will touch and heal you…Steeve and Scarlet. Praying for your fast recovery,” hirit pa ng isang netizen.

 

Related Chika:
Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19
Pia Guanio nairaos ang panganganak; Pauleen Luna susunod na
Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending