Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19 | Bandera

Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19

Therese Arceo - January 08, 2022 - 03:03 PM

Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19

INAMIN ng aktres na si Candy Pangilinan na nagpositibo siya sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng aktres ang tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon.

“Naka-isolate po ako. This is the second time na nagkaroon ako ng [COVID-19]. The first time was last year, December,” pagbabahagi ni Candy.

Labis ang takot na nadarama ng aktres dahil nangangamba siya na baka maipasa niya o mahawaan niya ng sakit ang kanyang pamilya at kasama sa bahay lalo na ang kanyang anak na si Quentin.

Kuwento ni Candy, mas natatakot siya sa kasalukuyang siteasyon kaysa noong una siyang magkaroon ng COVID-19.

“No’ng unang beses po akong magka-[COVID-19], hindi ho sila nahawa at all. Wala po silang symptoms. Pero ngayon ho, hindi ko alam. I’m hoping, praying na sana hindi po sila mahawa,” saad niya.

Noon kasing nagkaroon siya ng COVID-19 ay walang symptoms na naramdaman si Candy ngunit ngayon ay iba na dahil nakaramdam na siya ng sakit ng ulo, chills, ubo, sipon, at kawalan ng ganang kumain.

Sa ngayon ay hindi pa tine-test ang kanyang pamilya ayon na rin sa abiso ng doktor dahil wala naman silang ipinapakitang sintomas ng nakahahawang sakit.

Payo pa ng doktor, maghintay muna ng ilang araw bago magpa-test para masigurado ang magiging resulta.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)

Sa ngayon ay nakakausap naman siya ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng mic sa labas ng kanyang kwarto.

Sa kabila ng sitwasyon ay nananatili pa ring optimistic ang aktres at grateful dahil may kapasidad silang mag-isolate sa sariling tahanan.

Aniya, “Even though I have [COVID-19] right now and it’s the start of the year, believe it or not, I am still very grateful because I am isolated here in the house. I am still very blessed.”

Humingi rin ng dasal si Candy para sa ka yang agarang paggaling pati na rin sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Nanawagan rin siya sa publiko na maging maingat sa virus at alagaan nag sarili ngayong pandemic.

“It’s really dangerous and it’s really out there, and you don’t know when you will get it,” sey ni Candy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Akala ko dati na parang sipon. Ngayon po, kung meron kayong sipon, i-assume niyo na po na meron kayong [COVID-19].”

Related Chika:
Candy ‘Idol Mom’ ng mga nanay na may special child: Nakakabilib ang tapang niya

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending