P10B na kita target ng CPP-NPA sa 2022 elections | Bandera

P10B na kita target ng CPP-NPA sa 2022 elections

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
January 13, 2022 - 07:32 PM

NPA

Kung dati ay barya-barya lang at konting alak ang usapan, ngayon ay level-up na rin ang hingian ng pera sa mga kandidato kaugnay sa nalalapit na 2022 national and local elections.

Ang tinutukoy ko dito ay hindi lamang ang mga constituents na madalas humingi sa mga kandidato kundi ang teroristang New People’s Army o NPA.

Noong nakaraang eleksyon, sinabi ng aking ilang cricket sa loob ng intelligence community na umabot sa P5 billion ang kinita ng teroristang grupo sa pamamagitan ng PTC o “permit to campaign” sa mga lugar na sila ang siga.

Nakapaloob sa ulat ng militar na umaabot sa P4 million ang hinihinging PTC sa mga kandidato sa pagka-gobernador o at congressman.

Sa mga tumakakbo sa pagka-bise gobernador at mayor ay umaabot sa P2 million ang perang hinihingi ng armadong grupo para hindi nila guluhin ang pangangampanya ng mga ito.

Ang mga konsehal naman ay hanggang P800,000 ang kanilang ibinabayad ayon pa sa aking mga cricket.

Dahil ang botohan sa 2022 ay lalahukan rin ng mga kandidato sa national position tiyak na mas malalaki ang hihingin nilang pondo sa mga ito.

Sinabi ng aking kaibigan na tumatakbong alkalde sa isang bayan sa Calabarzon, hindi lamang pera ang tinatanggap ng teroristang grupo.

Tumatanggap rin sila ng mga baril, computer, bigas, de lata at maging mga load sa cellphone.

Palatandaan ito na kahit ano ay tatanggapin nila kapalit ng proteksyon kuno sa mga kandidato.

Medyo friendly na rin daw ngayon ang teroristang grupo sa mga pulitiko  marahil ay dahil na rin sa kakapusan ng pondo mula sa kanilang idol sa The Netherlands.

Hindi naman kasi langid sa kaalaman ng publiko na unti-unti nang nababawasan ang source of income ng mga terorista dahil sa pag-atras ng suporta mula sa kanilang mga supporters sa abroad.

Sa ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) noong 2021, kanilang sinabi na target ng mga terorista na makalikom ng P10 billion na PTC para sa taong 2022.

Nilakihan na nila ang kanilang target dahil alam nilang bilang na ang kanilang mga oras lalo’t isa-isa nang nalalagas ang kanilang mga beteranong idolo sa pakikipaglaban kuno dahil sa mga opensiba ng militar sa mga lalawigan.

Medyo nagbabawas na rin sila ng kanilang political activities tulad ng mga rally na ginagawa ng kanilang mga kaalyadong grupo dahil sa pagtitipid sa pondo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Minsan na ring naikwento ng ilang mga dating kadre na mas malaki ang gastos ng mga epal na ralyista na kung tawagin nila ay mga duwag na mandirigma kumpara sa kanilang hanay na nakikipag-bakbakan sa mga kabundukan.

Kilala nyo na malamang kung sino ang mga puro porma sa mga rally at marahil ay alam na rin ninyo na ito ay kanilang kabuhayan at hindi totoong para sa bayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending