Geneva pumayag makipag-bed scene sa teleserye, todo explain sa anak: That’s acting, baby! | Bandera

Geneva pumayag makipag-bed scene sa teleserye, todo explain sa anak: That’s acting, baby!

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Geneva pumayag makipag-bed scene sa teleserye, todo explain sa anak: That’s acting, baby!

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 01:11 PM

Geneva Cruz

SA kauna-unahang pagkakataon, makalipas ang 33 years niya sa mundo ng showbiz, pumayag si Geneva Cruz na magkaroon ng bed scene sa isang teleserye.

Naikuwento ng singer-actress ang naging usapan nila ng kanyang anak na si London matapos nilang mapanood ang ilang eksena niya sa bagong Kapuso afternoon series na “Little Princess”.

Si Geneva ang main kontrabida sa nasabing teleserye na pinagbibidahan ni Jo Berry kasama sina Juancho Trivino at Rodjun Cruz bilang mga leading man.

Sa isang video clip na ipinost ng OPM artist at dating member ng singing group na Smokey Mountain, talagang ipinakita niya kay London ang mga eksena niya sa “Little Princess” kabilang na bed scene nila ni Marx Topacio at ang kanyang pagyoyosi.

Maririnig sa video na ipinaliliwanag ng aktres sa anak na, “It’s acting, okay? That’s acting, baby.”

“Why do you have to be mean?” ang tanong naman ng bagets sa kanya. Na sinagot ng celebrity mom ng, “Mommy’s work is to pretend on TV.”

Hirit uli ni London sa kanya, “Smoking is bad, too.” Reply naman ni Geneva, “I know. Mommy doesn’t smoke, okay? I wasn’t really smoking.”

View this post on Instagram

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Sa inilagay namang caption ng singer-actress sa kanyang video, inakala raw niya na handa na siyang sagutin ang mga itatanong ng anak kapag napanood siya sa TV bilang kontrabida, pero hindi pa pala.

“I thought I was ready for my daughter’s reaction, but I really wasn’t. 

“But in a way, I’m glad that my @londonleecruz knows that being a mean person is not to be cheered upon, and though not all people who smoke are bad… cigarette smoking really is dangerous to your health, plus, it stinks! Hi, Direk @jepoyhidalgo… love you! Haha!”

Dagdag pa niya, “FYI: I’ve been in this business for 33 years, and this was my first bed scene, as in scene sa bed lang pala so… yahooo. Hehe!

“Thankful to Unit 2’s super director Linette [Zurbano] and my co-actor @marx_topacio for their patience in guiding me.”

Sa “Little Princess,” gumaganap si Geneva bilang si Odessa Montivano, ang asawa ng mayamang negosyante na si Marcus na ginagampanan naman ni Jestoni Alarcon.

Bukod sa ito nga ang pagbabalik ni Geneva bilang aktres makalipas ang 16 taon, ito rin ang reunion project nila ni Angelika dela Cruz na siyang magiging kabit ni Jestoni sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una silang nagkatrabaho noong 2001 sa seryeng “Ikaw Lang Ang Mamahalin”. Ang huling acting project naman niya ay ang “Encantadia” na umere noong 2006 kung saan gumanap siya bilang si Sari-a, ang gabay-diwa ng “earth gem.”

Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal

Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending