Wendell Ramos nagpaliwanag sa pa-blind item ni Erik Matti tungkol sa aktor na lumayas sa shooting | Bandera

Wendell Ramos nagpaliwanag sa pa-blind item ni Erik Matti tungkol sa aktor na lumayas sa shooting

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Wendell Ramos nagpaliwanag sa pa-blind item ni Erik Matti tungkol sa aktor na lumayas sa shooting

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 01:07 PM

NILINAW ng Kapuso actor na si Wendell Ramos ang isyu tungkol sa umano’y bigla na lamang niyang pag-alis sa shooting ng mini-series na “On The Job: The Missing 8.”

May pa-blind item kasi ang direktor ng pelikula na si Erik Matti nang makachikahan ni Ogie Diaz sa isang vlog nito sa YouTube kung saan naikuwento nga niya na may isang aktor na ayaw na niyang makatrabaho.

Walang binanggit na pangalan ang direktor pero marami pa rin ang nakahula kung sino ang tinutukoy niyang aktor na basta na lang nawala kahit hindi pa tapos ang kanilang shooting.

Sa nakaraang online presscon ng GMA para sa book 2 ng “Prima Donnas”, natanong si Wendell about the issue at kung ang nasabing serye nga ba ang dahilan kung bakit kinailangan niyang magpaalam agad sa shooting ng “On The Job.”

Paglilinaw ng aktor, ipinaalam naman daw ng kanyang handler sa production ng “OTJ” na kailangan na niyang umalis para sa lock-in taping ng “Prima Donnas.”

“Alam naman po ng production, e. May mga scenes po na nangyari pong ganu’n na I have to go back sa Prima Donnas, and nag-ayos naman po ng schedule ko nun is under PPL (talent management ni Wendell).

“Hindi naman po ako gumagawa ng move without the permission of my agency, ang PPL. I think they’re all good naman.

“Ang maganda naman kasi du’n, kasama ko po yung from the office, which is my handler, at that time na nandu’n kami nu’ng madaling-araw,” paliwanag ng aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial)


Patuloy pa niyang pagdedepensa, “Siguro po, nagkaroon lang ng konting… but you know, ayoko nang bigyan ng big fuss out of it, dahil ako lang ang may ano du’n.

“And in the first place, hindi naman ako gagawa ng galaw, especially on my part, nang wala pong ano ng agency namin, and kung wala rin pong reasons.

“Siguro po, du’n sa side po nina Direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up, which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. Yun lang po yun,” lahad pa ni Wendell.

Para naman sa lahat ng loyal viewers ng “Prima Donnas”, magsisimula na ang season 2 nito sa Jan. 17, sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bibida pa rin dito sina Althea Ablan, Jillian Ward at Sofia Pablo with Katrina Halili, Aiko Melendez, James Blanco, Chanda Romero, Sheryl Cruz at marami pang iba, sa direksyon ni Gina Alajar.

Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’

Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending