Jenine Desiderio sa mga bastos na bashers: As long as it doesn’t kill me, it’s your life, it’s my life!
Janella Salvador, Jenine Desiderio at Baby Jude
INAMIN ng nanay ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio na talagang “Patola Queen” din siyang maituturing noon sa mga bashers at bully sa social media.
Talaga raw sinasagot at tinatalakan niya ang mga netizens na nagkokomento ng masasakit at offensive sa mga ipino-post niya sa socmed, partikular na ang tungkol sa relasyon nila ni Janella noong kasagsagan ng isyu sa kanila bilang mag-ina.
Bukod dito, naging biktima rin ang OPM artist ng matinding pamba-bash noong maging boyfriend ni Janella si Elmo Magalona.
Sa ginanap na online presscon para sa bagong family drama ng GMA, ang “Little Princess” na pinagbibidahan ni Jo Berry, nagkuwento ang singer-actress tungkol sa pakikipagsagutan niya sa mga bastos na netizens.
Pero bago nga sagutin ni Jenine ang mga tanong ng press, ipinakita muna niya ang anak nina Janella at Markus Paterson na si Jude sa members ng entertainment media nang kumustahin ang kanyang pagiging lola.
View this post on Instagram
Ayon kay Jenine, totoong mapagpatol talaga siya noon sa bashers, “Before, I was guilty of making patol. I felt there was a need to explain my side when something wrong is being said about you.
“Mali yun, e, kailangang mong itama. But I realized and learned one thing, people will always have their own opinion of the situation, kahit mag-explain ka pa.
“Kahit na i-explain mo nang 100 times yung situation mo na tama ka, sa isip nila nahusgahan ka na nila at choice nila yun.
“So, like they said, to those who understand, no explanation is needed. And to those who do not understand, no explanation is enough,” pahayag ng nanay ni Janella.
Pagpapatuloy ng aktres, “So, having said that, after that, wala na. Ngayon, deadma na lang. Think what you want, see as you want. As long as it doesn’t kill me, it’s your life, it’s my life.
“Basta yung social media ko, huwag kayong sosobra kasi account ko yun. Gusto niyo sa account niyo, dun kayo mag-post.
“Yun lang ako, yun lang ang take ko sa mga bashing na ‘yan. I ignore them now,” katwiran pa niya.
In fairness, mukhang napanindigan naman ni Jenine ang kanyang desisyon na dedmahin na lang ang mga haters sa socmed dahil so far wala na kaming nababasa o nababalitaan na sumagot o nang-away siya ng mga netizens.
https://bandera.inquirer.net/298130/janella-nag-alinlangang-tanggapin-ang-valentina-role-is-this-really-for-me
https://bandera.inquirer.net/298086/janella-salvador-gaganap-bilang-valentina-sa-darna-series
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.