Jake Ejercito mas naging makabuluhan pa ang Pasko at Bagong Taon dahil sa... | Bandera

Jake Ejercito mas naging makabuluhan pa ang Pasko at Bagong Taon dahil sa…

Ervin Santiago - January 10, 2022 - 07:30 AM

Jake Ejercito, Paulo Avelino at Janine Gutierrez

MAS naging makabuluhan pa para sa Kapamilya actor at celebrity daddy na si Jake Ejercito ang pagse-celebrate niya ng Pasko at Bagong Taon.

Bukod sa kanyang pamilya, nakasama rin ng binatang ama ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie last Christmas dahil nga sa Manila rin nagdiwang ng holiday season ang aktres at ang tatlong anak.

Nagpasya si Andi na manatili muna sila sa Maynila habang inaayos pa ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo ang nasira nilang tahanan sa Siargao matapos manalasa sa isla ang super typhoon Odette.

Sa nakaraang “Marry Me, Marry You Finale” online mediacon nitong nagdaang Jan. 4, kinumusta ng press kung paano niya ipinagdiwang ang Pasko at New Year.

“I think just like everyone else, we had an intimate Christmas and New Year with the family. 

“And I guess yung pagkakaiba rin, I made sure to donate and tumulong sa donation drives sa mga naapektuhan ng typhoon Odette,” kuwento pa ni Jake.

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Jake sa lahat ng pumupuri sa akting niya sa hit Kapamilya primetime series na “Marry Me, Marry You”. 

Tumatak sa mga manonood ang breakdown scene niya sa serye na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Pero knows n’yo ba na hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa eksenang yun?

“Okay naman. Hindi naman naging mahirap kasi supportive naman lahat. I think ang kasama ko du’n si Iana (Bernardez). It was very easy and I’m very thankful for the support that we had on the set,” chika ni Jake.

View this post on Instagram

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Super proud daw siya sa una niyang romcom series niya, “Five years from now, I’ll be proud of it. Still grateful na ito yung unang teleserye ko. We won’t be able emphasize it enough na naging family talaga kami dito. 

“I think obvious naman sa screen na we were really a tight knit group. We gelled well and yung samahan talaga iba yung energy, iba yung camaraderie. And we always had fun on and off the set,” lahad pa ng aktor.

Napapanood ang “Marry Me Marry You: Merrily Ever After?” every weeknights 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, and Jeepney TV. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282396/jake-masaya-sa-co-parenting-setup-nila-ni-andi-nakikita-ko-kay-ellie-na-hindi-na-siya-nahihirapan
https://bandera.inquirer.net/283949/jake-nabiktima-rin-ng-pambu-bully-sa-school-kaya-sanay-na-ako-sa-mga-basher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending