Lolit Solis dalangin na magkabati ang magkapatid na sina Anjo at Jomari | Bandera

Lolit Solis dalangin na magkabati ang magkapatid na sina Anjo at Jomari

Therese Arceo - January 09, 2022 - 04:15 PM

Lolit sa awayang Anjo-Jomari: Parehas kayong Yllana, dapat kayo ang magkakampi
HANGAD ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na sana ay magkaayos na ang magkapatid na sina Jomari Yllana at Anjo Yllana.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang kanyang saloobin ukol sa nangyayari sa pagitan ng magkapatid.

“Sana naman maayos na iyong away ina Anjo at Jomari Yllana, Salve. Kasi nga parang hindi maganda na magkaptid sila pero heto at nag-aaway at very public pa,” saad ni Lolit.

Dagdag pa niya, “parehong may mga anak ang dalawa na dapat nilang isipin dahil nakikita na nag-aaway sila. Dapat nga sa ganitong panahon, happy together ang lahat dahil patunay ang mga nangyayari sa paligid na ang ikli lang ng buhay, enjoy lang.”

Kamakailan kasi ay pumutok ang balitang nagkaroon ng alitan ang dalawa matapos akusahan ni Anjo ang kampo ni Jomari at ng girlfriend nitong si Abby Viduya ukol sa “pagbulsa” diumano nito ng kanyang campaign funds dahilan para umatras siya sa pagtakbo bilang kongresista ng 4th district ng Camarines Sur sa 2022 elections.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ayon sa deleted Facebook post ni Anjo noong January 1 ay nakipag-usap na siya sa abugado para gumawa ng legal action laban sa kapatid at sa dyowa nito.

Aniya, ayaw na sana niya itong gawin ngunit naba-bother siya sa ikinikilos ng dalawa.

Giit pa ni Anjo, kung ayaw man daw ng dalawa ng court proceedings ay hinamon na lamang niya ito ng lie detector test sa Camp Crame para patunayan sa ina na hindi siya nagsisinungaling.

Para naman kay Lolit, wag na raw sanang masyadong maging seryoso at mabigat sa dibdib ang mga nangyayari sa magkapatid lalo na sa panahon ngayon kung saan napakarami ang hindi tiyak.

“Anjo at Jomari, patch up na. Tigil na, ayusin na iyanz pareho kayong Yllana, dapat kayo ang magkakampi,” sey pa niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending