Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans | Bandera

Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans

Therese Arceo |January 08,2022
facebook
share this

Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans

Therese Arceo - January 08, 2022 - 02:06 PM

Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans

MAGKASAMANG binisita ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemates na sina Alexa Ilacad at Eian Rances ang Mall of Asia Globe noong Biyernes, January 7, para panoorin ang pasabog na inihanda ng kanilang “Aleian” fans.

Makikita sa naturang digital billboard ang ilang mga moments nina Alexa at Eian habang nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Nag-post naman ang aktres sa kanyang Instagram story ng ilang mga video na kuha nila habang pinapanood ang tribute sa kanila ng kanilang fans.

“Aleians, thank you!” saad ni Alexa.

“This is absolutely mind-blowing and incredibly sweet of you. Ramdam namin ang pagmamahal niyong abot outer space. We love you so very much! Windang pa rin kami ni @eianrances!”dagdag pa ni Alexa.

Sa isa pa niyang post ay tila hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa pgmamahal na natatanggap nila ngayon ng kanyang co-housemate na si Eian.

Ani Alexa, “Still so surreal to me. Can’t believe my face and name are on the MOA Globe! A million thanks @aleianofficial_ @titasofaleianofc. This is so appreciated.”

Sa Twitter naman ay ipinahayag ni Eian ang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.

“Blessed and thankful to have you all. We love you Aleians,” saad ni Eian.

Bago pa man nila personal na makita at mapanood ang pa-sorpresa ng mga fans sa kanila ay nakita na ito ng binata sa isang video.

“Hindi makapaniwala sa suporta at pagmamahal niyo. Mayayakap ko rin kayo lahat ng mahigpit sa takdang panahon. Maraming salamat! Mahal na mahal namin kayo,” saad ni Eian.

Nabuo ang “special friendship” nina Eian at Alexa habang nasa loob sila “PBB” house.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng mga pinagdaanang hindi pagkakaunawaan ay sa huli ay naging maayos ang relasyon ng dalawa na nagpatuloy hanggang sa kanilang paglabas sa outside world.

Related Chika:
Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?
Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending