Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na? | Bandera

Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na?

Ervin Santiago |January 07,2022
facebook
share this

Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na?

Ervin Santiago - January 07, 2022 - 06:24 PM

Vice Ganda at Vicki Belo

MAY dalawa palang bahay ang celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo — isang para sa mga ginagawa niyang mga vlog at ang ikalawa ay ang private home nila ni Hayden Kho.

Ayon kay Belo, ang bagong bahay nila ang tinatawag niyang “stage house” na siyang madalas makita ng madlang pipol sa kanyang YouTube channel.

Sa bagong vlog ni Vice Ganda na may titulong “House Raid” ay inilibot ni Vicki Belo ang TV host sa kanyang “stage house.”

 Dito nga niya nabanggit na dalawa ang bahay nila na matatagpuan nga sa isang exclusive village sa Makati City.

Inilarawan pa ni Belo ang nasabing bahay na katulad ng ginagamit ng US reality TV star na si Kim Kardashian. May private home rin daw ang sikat na international celebrity na hindi ipinakikita sa publiko.

“Kasi, di ba, itong bahay na ’to, medyo na-overexpose. So sabi namin ni Hayden, kapag may bagong bahay na kami, private lang ’yun. All the ganaps here,” pahayag ni Belo.

Sey ng misis ni Hayden, mas maliit lang daw ng kaunti ang kanilang private home, na may sukat na 2,000-square-meter property. 

Sey pa ni Belo, hindi na sila talaga nag-i-stay sa kanilang 15-year-old home, pero patuloy pa rin nila itong mine-maintain. Naroon pa rin daw ang karamihan sa mga personal niyang gamit.

Aniya, plano rin nilang ipa-renovate ang isang kuwarto roon at gawing private cinema para sa anak niyang producer na si Quark Henares.

Ipinasilip ni Belo kay Vice Ganda ang kanilang living room pati na ang dating bed room nila ni Hayden kung saan napag-usapan din ng dalawa ang tungkol sa sex life ng doktora. 

Sa isang bahagi ng vlog, tinanong ni Vice si Belo kung bakit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya samantalang kering-keri na niyang magbuhay-reyna.

“For me, for other people, kasi I get so happy. You, you’re happiest when you make people happy, right? It’s the same for me. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But I don’t know how to be a good, witty comedian. I only know how to make people feel beautiful and condiment. When they do, I’m so happy,” aniya pa.

Vicki Belo, Hayden Kho tumulong sa pagbabakuna sa mga taga-Makati

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending