Belle, Donny ayaw pang 'maghiwalay', gusto pang makagawa ng maraming proyekto | Bandera

Belle, Donny ayaw pang ‘maghiwalay’, gusto pang makagawa ng maraming proyekto

Reggee Bonoan |January 07,2022
facebook
share this

Belle, Donny ayaw pang ‘maghiwalay’, gusto pang makagawa ng maraming proyekto

Reggee Bonoan - January 07, 2022 - 09:48 AM

                     

“RIGHT now po I can’t see myself being paired up with anyone else,”  ang pahayag ni Belle Mariano sa virtual mediacon ng iWantTFC anthology na “Click, Like, Share Season 3” kahapon.

Tinanong kasi namin kung posible siyang makipagtambalan sa ibang aktor bukod kay Donny Pangilinan na hindi kasama sa nasabing bagong season ng programa.

Sabagay hindi naman kailangan ng leading man ni Belle sa episode nilang “Swap” kasama si Shanaia Gomez na magkapatid ang karakter sa show.

“My character here is Jessy. Si Jessy ay merong inggit sa kapatid niya and hinanakit sa mother niya na feeling niya mas pinili ng kapatid ‘yung isa and mas pinili ng nanay niya na mabuhay ng mabuti kumpara sa kanila,” saad ng dalaga.

At dahil lahat ng gustuhin ni Shanaia ay ibinibigay ng magulang kaya nag-wish si Belle na sana magkapalit sila ng pagkatao ng kapatid niya.

Ang sumunod na tanong namin ay kung napag-usapan nina Belle at Donny na puwede silang gumawa ng proyekto na hindi sila magkasama para “makahinga” muna sila sa kanilang tambalan.

“As an actor po kasi I always look at the material and the story. I’m open to more opportunities and I’m open to learn and yeah, when it comes to stuff like this, both of us are very supportive with each of our passion and what we love doing,” paliwanag ng aktres.

Nauna na namang sinabi ni Donny na hindi pa rin niya nakikita sa ngayon ang sarili na iba ang katambal dahil gusto pa rin niyang makagawa ng iba pang projects kasama si Belle. 

Samantala, mapapanood na ang “Click, Like, Share” tuwing Miyerkules simula sa Jan. 12. Ang ibang episodes bukod sa “Swap” nina Belle at Shanaia ay ang “QR Code” ni Vivoree Esclito; sina Jane Oneiza at Elmo Magalona naman ang bida sa “Unseen”; sa “Repair” ay si JC Alcantara ang lead role kasama si Allan Paule mula sa direksyon ni Andoy Ranay produced ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

View this post on Instagram

A post shared by Belle Mariano (@belle_mariano)

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending