Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife | Bandera

Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife

Ervin Santiago |January 07,2022
facebook
share this

Allan K buking sa hula ng psychic: Medyo maloko rin siya pagdating sa lovelife

Ervin Santiago - January 07, 2022 - 08:38 AM

Allan K

IBINUKING ng isang psychic at tarot reader ang veteran TV host at comedian na si Allan K sa nakaraang episode ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga.”

Sa segment na “Bawal Judgemental”, binasa ni Jovi Vargas ang kapalaran ni Allan K base sa request ng mga Dabarkads na sina Wally Bayola ay Jose Manalo.

Mga kilalang psychic at fortune tellers kasi ang naging choices sa “Bawal Judgmental” kabilang na si Jovi Vargas na nagbigay nga ng prediksyon tungkol sa magiging kapalaran ni Allan K ngayong 2022.

Dito nga ibinuking ni Jovi ang komedyante patungkol sa lovelife nito at sa kanyang pakikipagrelasyon.

“Si Allan K naman kasi talaga is more of planning, so ang dami niya pa rin talagang gustong gawin sa buhay at tulungan so hindi siya puwedeng hindi kumikilos,” simulang pagbasa ng tarot card reader sa kapalaran ni Allan K.

Patuloy pa niya, “He always trust himself na ‘Kaya kong gawin patutunayan ko, magagawa ko’ ‘yun ang kagustuhan ko kay Allan K.”

May nakikita raw siyang mga lugar na posibleng pagtuunan ng pansin ng TV host ngayong 2022 na  tumutukoy sa house and lot at iba pang properties.

“I see some place maybe a house, basta there is something to do with a place that you are going to build or you plan to do something on that location,” pahayag pa ni Jovi.

At sa aspeto naman ng lovelife, “Hindi ko masyadong makitang priority ang love life, para lang siyang naglalaro, whoever comes in puwede niyang i-entertain.

“Pero hindi pa niya makita ‘yung seryoso talaga e. Kasi minsan medyo maloko rin si Allan when it comes to love,” pahayag pa ng psychic.

Natawa naman si Allan K at ang iba pang Dabarkads sa pambubuking sa kanya ni Jovi pero na-excite siya sa mga hula sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by @allan_klownz

Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko

Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending