Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba? | Bandera

Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan |January 03,2022
facebook
share this

Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba?

Reggee Bonoan - January 03, 2022 - 08:44 AM

Kris Aquino at Mel Sarmiento

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay naghihintay kami ng susunod na post ni Kris Aquino kung ano’ng nangyari sa kanila ng kanyang fiancé nia si dating Interior Secretary Mel Senen Sarmiento.

Napansin kasi namin na biglang nawala ang mga larawan nilang magkasama sa kanyang Instagram account.

Kahapon, (Enero 2) ng tanghali napansin ng netizens na biglang nabura ang mga larawan ni Ginoong Mel at puro lumang larawan ni Kris kasama ang mga anak na sina Bimby at Joshua, mga kapatid at iba pang okasyon sa buhay niya ang naroon.

Iisa ang tanong ng lahat, “Anyare kina Kris at Mr. Sarmiento? Hiwalay na ba?”

Noong Oct. 24, 2021 inanunsiyo nina Kris at Mr. Senen ang kanilang engagement at heto’t wala pang tatlong buwan ay tila wala na sila?

Nitong nagdaang Dec. 9 ay nag-Boracay pa sila na dapat ay bumalik na sa Manila noong Dec. 17 pero hindi nangyari dahil walang available na biyahe.

Sinamahan pa ni Mr. Sarmiento si Kris nang mamahagi ng tulong sa mga biktima ng super typhoon Odette sa Negros Occidental at kahit na hindi maganda ang health status ni Kris at pinagbalawan ng doktor niya ay tumuloy pa rin siya.

Huling post pa ni Kris na labis niyang pinasalamatan ang fiancé niya dahil iniintindi siya nito sa lahat ng oras lalo’t hindi maganda ang pakiramdam niya kaya nagiging masungit siya.

Aniya, “Thank you babe, dahil tiniis mo na lang ‘yung pagsusungit ko sa ‘yo dahil frustrated, walang tulog, at pagod na ko.  Di ka pumatol, you were proud na excited ‘yung mga tao na pinuntahan ko sila.

“Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin.”

Inilabas kasi lahat ni Kris ang mga nagawa ng kuya PNoy niya noong Presidente pa ito bagay na hindi alam ng karamihan dahil hindi naman lahat ay naiulat at sa tulong ng kanyang “babe” kaya detalyado ang lahat.

Going back sa mga nawalang larawan ng fiancé ni Kris, inisip naming baka nagkaroon ng tampuhan ang engaged couple at nagpapalamig lang. 

Pero sa pagkakakilala namin sa mama nina Joshua at Bimby, e, baka nga official na silang hiwalay ng dating kalihim dahil nga tuluyan na niyang binura ang mga litrato nito.

Tiyak na inaabangan din ng lahat ang sasabihin ni Kris kung ano ang ibig sabihin ng pagtanggal niya ng mga larawan nila ni Ginoong Mel.

Wish namin kina Kris at Mr. Sarmiento ngayong 2022, sana’y hindi totoong wala na sila at kung may pinagdadaanan naman, sana ay maayos na para matuloy ang kanilang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Kris sa ‘relasyon’ nila ni Mel Sarmiento: At least ngayon, there’s someone with the guts to stand up for me

Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending