Cherry Pie mas selosa, mas clingy, mas ma-effort na dyowa kesa kay Edu | Bandera

Cherry Pie mas selosa, mas clingy, mas ma-effort na dyowa kesa kay Edu

Ervin Santiago |December 31,2021
facebook
share this

Cherry Pie mas selosa, mas clingy, mas ma-effort na dyowa kesa kay Edu

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 05:29 PM

Cherry Pie Picache at Edu Manzano

SI CHERRY Pie Picache ang mas ma-effort, mas clingy, mas palaging nale-late at mas madalas magsimula ng away sa relasyon nila ngayon ni Edu Manzano.

Ito ang diretsahang pahayag ng veteran actor nang makachikahan ang anak na si Luis Manzano sa bagong vlog nito sa YouTube kasama sina Cherry Pie at Jessy Mendiola.

Game na game na sumabak sina Ms. Pie at Doods sa “Sinong mas” challenge na talaga namang ikinatuwa at ikinakilig ng kanilang mga tagahanga.

Pahayag ni Edu, sa kanilang dalawa ni Cherry Pie, mas nag-e-effort daw palagi ang aktres sa kahit anong bagay at ito rin daw ang mas clingy na natural lang naman daw talaga sa mga babae.

At bukod daw sa palaging nale-late ang aktres kapag nagkikita o nagde-date sila, si Ms. Pie rin ang kalimitang nag-i-start ng kanilang diskusyon na kung minsan ay nauuwi nga sa pag-aaway.

Sumang-ayon din si Cherry Pie nang sabihin ni Edu na siya ang mas madalas magselos. 

Sabi nga ng aktor nang tanungin ni Luis kung paano ba magselos ang aktres, “Well, ‘yung nananakit. Umaabot sa ganyan (hinahampas). Kaya minsan, napa-substation 7 ako sa QC. Pina-blotter ko.”

Nang matanong naman ang Kapamilya actress kung sino sa kanila ni Edu ang mas madalas mag-text at tumawag, umamin naman si Ms. Pie na guilty siya rito.

Hirit ni Edu, “Ito naman kasi. Ite-text mo, ‘di ba, ‘Busy? How are you?’ Tapos mag-aantay ka na muna ng reply, ‘di ba? 

“Wala namang dumarating. Aabutin ka ng 10 hours, 16 hours, 18 hours. Biglang ite-text ka, ‘Hindi mo ba ako hinahanap?!’ ‘Kate-text ko lang kani-kanina, ah. Ten hours ago, hindi ka naman sumasagot.’ ‘Anong nag-text ka? Hindi ka naman nagte-text ah?'” chika ng aktor.

Natatawa namang sabi ni Cherry Pie, “Pero yes, sometimes, matagal akong mag-reply.”

Pareho namang hindi magastos ang magkarelasyon at wala rin sa kanila ang mas galante o mahilig gumastos sa mga materyal o mamahaling bagay.

View this post on Instagram

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)


Sabi ni Edu, “Mas uunahin namin minsan, believe it or not, ‘yung mga nakikita namin sa ano… I guess nandoon na kami sa edad where other people matter to us.

“We don’t give each other (mga regalo), happy na kami kapag lumalabas sa gabi, kakain kami. Kami kasi, we can say na we’re pretty much comfortable kung nasaan na kami ngayon,” paliwanag ni Edu.

Tawa rin kami nang tawa nang sagutin ni Edu ang tanong kung sino ang mas madalas o unang nangangalabit sa kanila ni Cherry Pie.

“Kami nakapagdesisyon na mag-aantay kami hanggang kasal, kung dumating man ‘yun. 

“Kaya sinasabi ko muna sa kanya, ‘wag please. Please ‘wag muna, ‘wag ka muna umasa. Siyempre, Katoliko akong pinalaki. Istrikto (ang parents ko),” birong sagot ng aktor.

“Kapag tumawag si Mama, ayun medyo delikado tayo. Kasi patay na siya, eh. Mahirap na kapag tumawag ‘yun, medyo ‘oops’. Kaya ayaw ko munang bumigay. Pasensya ka na ha?” ang sabi pa ni Doods sabay tingin sa kanyang partner na tawa rin nang tawa.

Pero paano nga ba na-feel ni Cherry Pie na totoong seryoso na sa kanya si Edu matapos magkasama nang ilang buwan sa lock-in taping ng Kapamilya series na “Marry Me, Marry You.”

Sagot ng aktres, “Kasi ‘di ba, kapag sa taping, especially now, locked-in. Ganu’n ‘yun usually ‘di ba, kung parehong single naman, siyempre nagkakakulitan, ganyan. 

“So nu’ng nagkukulitan kami, sabi ko, ‘Hmmmm, parang kulitan lang ba ‘to or ano?’ Siyempre me at my age, I don’t like that anymore. So sabi ko, sige, kapag nag-break ‘yung lock-in sa first cycle tapos nag-effort siya, sige. Ayun, nag-effort naman siya. Mga two months, ‘di ba?” kuwento ng aktres.

Sa isang bahagi ng vlog, sinabi ni  Cherry Pie na ang isa sa mga nagustuhan niya kay Edu ay ang pagrespeto nito sa anak niyang si Nio Tria.

“He respected so much the people that I love, and he knows that it’s Nio. Kinilala niya, dumadalaw siya sa bahay, nagpakilala siya,” sabi ni Ms. Pie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, inamin din nina Edu at Cherry Pie na naging magdyowa na sila 20 years ago at tumagal daw ng isang taon ang kanilang relasyon.

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year

Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending