Nadine sa mga taong toxic sa socmed: 2022 na, asal imburnal pa rin!
Nadine Lustre
BAGO tuluyang magpaalam ang 2021, may pahabol na matinding hugot at paalala ang actress-singer na si Nadine Lustre sa lahat ng mga “toxic” sa social media.
Nakiusap ang dalaga sa mga bashers, haters at bully na tigilan na ang paggamit ng masasakit at malilisyosong salita kapag nagpo-post sa social media.
Aniya, ngayong 2022 sana raw ay pairalin ng lahat ng netizens ang kabutihan at pagiging positibo sa lahat ng bagay at pagkakataon.
“Let’s be civilized and have proper conversations like human beings.
“This 2022 avoid arguing with people who resort to ‘bobo,’ ‘tanga’ or blocks u in a convo,” pahayag ni Nadine.
Hirit pa ng dalaga, “2022 na, asal imburnal pa rin.”
Ang naging pahayag ni Nadine ay nag-ugat nang makipagdebate ang aktres sa ilang netizens tungkol sa sinabi umano niya na wala nang kuwenta ngayon ang pag-aaral ng history sa mga paaralan.
Paglilinaw ng ex-girlfriend ni James Reid, “For the record, I never said studying history was a waste of time. Even as a kid it is something I am interested in.
“Nothing really changed until now. I just said it was counter productive going (through) the same topic over and over,” diin niya.
Isa si Nadine sa mga celebrities na talagang pumapatol sa mga bashers lalo na kapag alam niyang nasa tama at katwiran siya.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na hangga’t maaari, sinisiguro niya na ang lahat ng ipino-post niya sa kanyang mga socmed accounts ay makaka-inspire at makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng kanyang followers.
“Me kasi, when I share on social media, it’s the stuff I want to share and it’s stuff that I know my followers would benefit from. Something to inspire them. Something the kind of spark to make them creative,” pahayag ni Nadine.
Samantala, kamakalawa lamang ay nag-post din ang aktres ng kahalagahan ng pagtuturo ng “environmentalism” sa mga estudyante sa gitna nga ng mga dumarating na kalamidad sa bansa.
“Environmentalism should be a curriculum in school.
“Like it should be taught at a very young age + continuously so kids grow up being aware and compassionate with everything that coexists with us,” ang tweet ng dalaga.
In fairness, isa si Nadine sa mga artistang unang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou.
2022 na, asal imburnal pa rin pic.twitter.com/tbRzbFsLzR
— Nadine Lustre (@hello_nadine) December 30, 2021
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/293677/si-nadine-lustre-na-nga-ba-ang-bagong-andi-eigenmann
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.