Nanay nina Bea at Dominic nag-pinky promise, nangangamoy kasalan na: Sumpaan at kasunduan! | Bandera

Nanay nina Bea at Dominic nag-pinky promise, nangangamoy kasalan na: Sumpaan at kasunduan!

Ervin Santiago |December 31,2021
facebook
share this

Nanay nina Bea at Dominic nag-pinky promise, nangangamoy kasalan na: Sumpaan at kasunduan!

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 11:26 AM

Bea Alonzo at Dominic Roque kasama ang kani-kanilang pamilya

NAGPASABOG ng good vibes ngayong holiday season ang mga  nanay ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Pinusuan at kiniligan ng mga tagasuporta nina Bea at Dominic ang isang Instagram post kung saan nag-pinky promise ang mommy ng aktor na si Lena Roque at ang ina ni Bea na si Mary Anne Ranollo.

Nitong nagdaang Pasko, ipinakilala na ng magdyowa ang mga pamilya nila sa isa’t isa. Nag-celebrate sila ng Christmas sa bonggang rest house ng Kapuso actress na matatagpuan sa Zambales.

Nauna nang nabanggit ni Bea sa pamamagitan ng kanyang mga vlog sa YouTube na doon na naninirahan ang kanyang Mommy Mary Anne kasama ang stepdad na si Amado Carlos. 

Sa Zambales na na rin nakatira ang kapatid niyang si James Carlos na may sarili ring bahay sa napakalawak na farm ni Bea.

Sa Instagram account ni Dominic, ibinandera nito ang mga litrato nila na kuha sa farm house ng kanyang girlfriend noong mag-celebrate sila ng Christmas.

Kasama ng aktor at negosyante ang mga magulang at tatlong kapatid kabilang na ang kuya niyang nag-aartista na rin na si Anthony Roque na may sarili na ring pamilya ngayon.

Makikita sa mga IG photos ni Dominic ang mga kaganapan sa pagbabakasyon nila sa bahay ni Bea, kasama na ang kanilang family picture.

“Maligayang Pasko sa lahat! #GodBlessUsAll,” ang maikling caption ni Dominic sa mga litrato.

May isa kaming nakitang photo kung saan super bonding talaga ang pamilya ng aktor at ng family ni Bea lalo na ang kanilang mga nanay na mukhang mag-BFF na nga ngayon.

Nag-post din ang mommy ni Dominic na si Lena Roque sa kanyang Instagram account ng mga litrato sa kanilang Christmas gathering. Aniya, ito ang unang pagkakataong nakapunta sila sa rest house ni Bea sa Zambales.

Aniya sa caption, “Ranollo/Roque family 2020/2021.”

Sa isa pa niyang post, na talagang nakatawag sa atensiyon ng mga netizens ay ang pinky promise nila ng nanay ni Bea na si Mary. Sabi pa niya sa caption, “Sumpaan at Kasunduan.”

At dahil nga rito, marami ang nagtanong kung “pamamanhikan” na rin ba ang pagpunta ng pamilya ni Dominic sa tahanan nina Bea sa Zambales.

“This is it! Parang hiningi na ni Dom ang kamay ni Bei sa kanyang parents! Siyempre what’s next na? Nangangamoy kasalan na na?”

“Wedding bells is waving.”

“Cute fam! Sana nga sina Bea at Dom na ang itinadhana hindi basta pinagtagpo lang. Tandandaran!!!”

Ilan lamang yan sa mga komento ng netizens tungkol sa pinky promise ng mga mommy nina Bea at Dominic.

Komento pa ng mga supporters ng celebrity couple, dahil botong-boto naman daw sa kanilang relasyon ang pamilya ng bawat isa, magpakasal na raw sila at unahan na sina Gerald Anderdon at Julia Barretto! Ha-hahaha! Kayo talaga! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Lena Roque (@lenaroque16)

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

#SanaAll: Limang simpleng pag-amin ni Bea at Dominic sa tunay nilang relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending