Ivana nag-celebrate ng 25th birthday sa 'P1-M per night' na hotel: Walang matutulog! Walang pipikit! | Bandera

Ivana nag-celebrate ng 25th birthday sa ‘P1-M per night’ na hotel: Walang matutulog! Walang pipikit!

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Ivana nag-celebrate ng 25th birthday sa ‘P1-M per night’ na hotel: Walang matutulog! Walang pipikit!

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 07:29 PM

Ivana Alawi

ANG bongga talaga ni Ivana Alawi! Imagine, nag-celebrate talaga siya ng kanyang 25th birthday sa sosyal at napakamahal na Okada Manila.

Nakasama ng Kapamilya sexy actress at vlogger sa selebrasyon ang kanyang pinakamamahal na nanay na si Fatima Alawi at ang mga kapatid na sina Mona, Hashim at Almira.

At knows n’yo ba kung magkano ang halaga ng unit kung saan nag-stay ang pamilya ni Ivana? Sa tumataginting na P1-million-per-night hotel villa lang naman! 

Sa latest vlog ng dalaga sa YouTube, ipinasilip ng aktres sa kanyang milyun-milyong subscribers ang ilang bahagi ng 1,400-square-meter villa kung saan siya nagdiwang ng birthday.

Ayon kay Ivana, tatlong kuwarto lang daw talaga ang naka-book para sa kanila pero in-upgrade raw ng management ng nasabing hotel ang kanilang reservation.

Ang ipinagamit daw kina Ivana ay ang “Grandest Villa” sa Okada na nagkakahalaga nga ng P1 million per night.

Hirit ng YouTuber sa kanyang nanay at mga kapatid habang nililibot ang bonggang-bonggang villa, “Walang matutulog ha! 1 million ito, susulitin natin yung 1 million. Walang pipikit!” 

Bukod sa limang bedroom na may malalawak na bathroom, havey din ang villa ng napakagandang dining hall, sariling gym, entertainment area, study room, at private pool. 

Ipinakita rin sa nasabing vlog ang pagsasalu-salo mg pamilya Alawi sa bonggang buffet of steak, desserts and drinks.

Nag-swimming din si Ivana pati na ang kanyang nanay at mga kapatid with matching barbecue dinner na sinundan pa ng foot and body massage.

Sabi ni Ivana sa caption ng kanyang latest YouTube video, “Hi guys! This villa was upgraded for free as a gift from Okada. I did not pay 2 million im sure you know my priority pag dating sa pera hehe. Labyu happy holidays!”

Kamakailan lamang, itinanghal si Ivana bilang ikaapat sa Most Beautiful Faces of 2021 ng TC Candler and the Independent Critics. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumasok din sa listahan ang Kapamilya stars na sina Liza Soberano na nasa 18th spot habang nasa ika-78 pwesto naman si Janine Gutierrez.

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending