Andi masaya na malungkot ang Pasko; nakasama si Jaclyn pero hindi kapiling si Philmar | Bandera

Andi masaya na malungkot ang Pasko; nakasama si Jaclyn pero hindi kapiling si Philmar

Ervin Santiago |December 28,2021
facebook
share this

Andi masaya na malungkot ang Pasko; nakasama si Jaclyn pero hindi kapiling si Philmar

Ervin Santiago - December 28, 2021 - 03:49 PM

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, Ellie, Lilo at Koa

MALUNGKOT na masaya ang naging selebrasyon ng Pasko ni Andi Eigenmann dito sa Manila kasama ang kanyang tatlong anak.

Bukod sa pagsalanta ng super typhoon Odette sa Siargao at sa iba pang bahagi ng bansa, hindi nakasama ng aktres ang fiancé na si Philmar Alipayo nitong nagdaang Christmas.

Pero naging masaya at memorable pa rin kahit paano ang selebrasyon ng kapaskuhan para kay Andi sa mga anak nila ni Philmar dahil nakapiling naman nila ang inang si Jaclyn Jose.

Nag-post si Andi sa Instagram ng kanyang litrato kasama ang award-winning veteran actress with her daughters Ellie, Lilo and Koa.

Aniya sa caption, “Silver lining: Nakapiling namin si Nanay ngayong Pasko.” 

Sabi ng aktres na naninirahan na ngayon sa Siargao, ilang araw bago manalasa ang bagyong Odette sa Visayas at Mindanao, lumipad patungong Maynila si Andi kasama ang mga anak.

Aniya, halos isang taon din siyang hindi nakauwi sa Manila para dalawin ang ina at iba pang mga kapamilya. Naiwan naman sa Siargao ang kanyang partner.

At habang inaayos pa ng grupo ni Philmar ang kanilang tahanan sa Siargao na winasak din ni Odette, mananatili muna sa Maynila si Andi at ang kanyang mga anak. 

Pero in fairness, kahit nasa Maynila ang aktres, tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng tulong para sa mga nasalanta ng super typhoon pati na rin sa muling pagbangon ng isla ng Siargao.

View this post on Instagram

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Samantala, ramdam na ramdam din ng netizens at supporters ni Philmar ang kanyang pangungulila  habang nagse-celebrate ng Christmas sa Siargao. Miss na miss na raw niya ang pamilya.

Nag-post ang surfer ng photo nina Andi, Ellie, Lilo at Koa na may caption na, “Best gift sako kinabuhe (Best gift ng buhay ko). Miss you and love you all so much! Will see you soon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-reply naman si Andi sa hugot post ni Philmar, aniya, “We miss you so much.”

Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar

Philmar miss na miss na sina Andi at mga anak: See you soon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending