Wish ni Sandara Park ngayong Pasko: Sana makabalik uli ako sa Pilipinas | Bandera

Wish ni Sandara Park ngayong Pasko: Sana makabalik uli ako sa Pilipinas

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Wish ni Sandara Park ngayong Pasko: Sana makabalik uli ako sa Pilipinas

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 05:50 PM

Sandara Park

KUNG may isang Christmas wish ang K-pop superstar at dating Kapamilya talent na si Sandara Park na gusto niyang matupad agad-agad, yan ay walang iba kundi ang makabalik uli sa Pilipinas.

Ibinandera ni Sandara sa buong universe ang kagustuhan niyang makabisita uli sa Pilipinas at makapag-perform muli sa harap ng kanyang Pinoy fans.

Sa kanyang Twitter account, mahigit dalawang taon na rin siyang hindi nakakauwi sa Philippines dahil na rin sa ipinatutupad na travel restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.

“(Two years) na ako hindi nakapunta sa (Philippines). Kelan ba last show ko sa Phil?! Parang (di) ko na naalala,” ang tweet ni Sandara nitong nagdaang Pasko, Dec. 25.

Aniya pa, “Ang (Christmas) wish ko is to go back to the Phil and be onstage again with you guys (Filipino supporters).” 

Itinuturing na rin ni Sandara na ikalawang tahanan ang Pilipinas kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career. Produkto siya ng reality talent search ng ABS-CBN na “Star Circle Quest” na umere noong 2004. 


Binansagan siyang “Pambansang Krung Krung” matapos sumali sa “SCQ” at nakagawa rin ng ilang pelikula at TV show sa Kapamilya network. Sumikat din ang loveteam nila noon ni Hero Angeles na siyang naging grand winner sa “SCQ.”

Taong 2007 nang lisanin niya ang Pilipinas at nagdesisyon ngang bumalik sa Korea.

Noong 2009, ipinakilala siya sa South Korea bilang member ng sikat na sikat na K-pop group na 2NE1. Ngunit makalipas ang pitong taon na-disband din ang kanilang grupo. 

Pero kahit nawala na sa eksena ang 2NE1, nanatiling aktibo si Sandara sa entertainment industry ng Korea bilang host at aktres.

2 member ng BlackPink type jowain ni Enchong; Erich patay na patay kina Park Bo Gum at Hyun Bin

Yorme gagaya sa style ng Korea para palakasin ang showbiz industry; inspirasyon ang BTS, Blackpink

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending