Bela naimbyerna sa isang netizen: You think you're funny? | Bandera

Bela naimbyerna sa isang netizen: You think you’re funny?

Therese Arceo - December 26, 2021 - 10:45 PM

Bela naimbyerna sa isang netizen: You think you're funny?

HINDI na nakapagpigil ang actress, writer and director na si Bela Padilla sa isang netizen na nang-iintriga sa kanya.

Ito ay nagsimula sa Twittwr kung saan isang netizen ang nag-share ng isang tweet na pumapatungkol sa nakaraang isyu ng aktres.

May isang netizen kasi na nag-tweet ng, “Put*ng*na, na-lock ako sa loob ng CR for an hour tas hindi ko binitbit phone ko with me sa CR so I couldn’t send a message to anyone.”

Isang netizen naman ang nag-retweet nito at sinabing “Bela Padilla”.

At hindi na nga nakapag-pigil ang aktres at nireplyan ang netizen na may username na @borgyborgs sa mismong araw ng Kapaskuhan.

“You think you’re funny?” maikling reply ni Bela.

Umabot naman sa 5,033 likes mula sa mga netizens ang naging reply ng aktres.

Muli tuloy naungkat ang isyu sa pagitan ng aktres at ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nagkasama kasi ang dalawa sa GMA adaptation ng Korean series na “Endless Love” kung saan gumanap si Bela bilang fiancé ng karakter ni Dingdong Dantes na noon ay boyfriend na ni Marian.

Matatandaang noong 2010 ay inakusahan ng talent manager noon ni Bela na si Claire dela Fuente si Marian na binubully nito ang kanyang alaga.

Aniya, palagi raw nitong sinasabihan ang aktres ng masasama at masasakit na salita sa tuwing taping nila noon.

Mayroon ring kumalat na chika kung saan ikinulong pa raw ni Marian si Bela sa CR sa Fontana Leisure Park sa Pampanga dahil sa sobrang selos nito sa pagiging malapit ng aktres kay Dingdong.

May mga nagsasabing kinumpronta raw ni Marian ang aktres at pinagbintangan ito na nilalandi diumano si Dingdong.

Tinalakan rin daw ng Kapuso Primetime Queen si Bela at sinabing hindi raw ito marunong umarte.

Pinabulaanan naman ni Bela noon ang kumakalat na usap-usapan at chika na kumalat tungkol sa insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tikom naman ang bibig ng netizen sa ini-reply ni Bela sa kanya at marahil hindi inaasahan na rereplyan at seseryosohin ng aktres ang tila biro lang para sa kanya.

Wala naman nang inilabas na pahayag si Bela ukol rito.

Related Chika:
Bela payag nang makatrabaho uli si Marian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending