Bela payag nang makatrabaho uli si Marian | Bandera

Bela payag nang makatrabaho uli si Marian

|November 21,2019
facebook
share this

Bela payag nang makatrabaho uli si Marian

- November 21, 2019 - 12:01 AM


SIGURADONG gagawa ng ingay at talagang pag-uusapan sakaling magsama nga sa isang proyekto sina Bela Padilla at Marian Rivera.

Maraming na-excite nang sabihin ni Bela na bukas siya sa posibilidad na magsama sila ni Marian sa isang project.

“Why not? But I’m not sure if she’s doing a movie right now,” ang sagot ng aktres sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Kung matatandaan, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang aktres noong magkasama sila sa isang teleserye ng GMA taong 2010, ang Kapuso primetime series na Endless Love kung saan nakasama rin si Dingdong Dantes na noo’y boyfriend pa lang ni Marian.

Ang sinasabing rason ng kanilang misunderstanding ay ang isang intimate scene umano nina Bela at Dingdong sa serye na naging dahilan ng matinding pagseselos ni Marian.

Pero sa panayam kay Bela sa nakaraang presscon ng bago niyang action film na “Mañanita”, sinabi ng dalaga na wala na silang issue ngayon ng misis ni Dingdong. Ilang beses na rin daw silang nagkita, “Yes, yes, several times in events. We always say ‘hi’ naman,” pahayag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending