Nico Bolzico pinaalalahanan ang madlang pipol: Let's be aware of how blessed we are | Bandera

Nico Bolzico pinaalalahanan ang madlang pipol: Let’s be aware of how blessed we are

Therese Arceo - December 26, 2021 - 02:38 PM

Nico Bolzico pinaalalahanan ang madlang pipol: Let's be aware of how blessed we are

MAY mensahe ang asawa ni Solenn Heusaff na si Nico Bolzico sa madlang pipol ngayong Pasko.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan nilang pamilya kasama si Solenn at baby Tili.

“Merry Christmas from our family to yours,” bati ni Nico.

“Sadly, lot of people back at home are not having the Christmas they expected and deserved,” dagdag pa ni Nico.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang pinagdaraanan ng ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao matapos silang masalanta ng bagyong Odette.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Marami sa mga residente partikular na sa lugar ng Cebu, Siargao, Negros, at Palawan ang hanggang ngayon ay lumalaban at pinipilit na bumangon kahit paunti-unti.

Marami sa kanila ang mga nawalan ng ari-arian habang ang iba naman ay mahal sa buhay kaya naituturing pa ring maswerte ang mga pamilyang may kakayahan na mag-celebrate ng Kapaskuhan.

Nanawagan rin ang asawa ni Solenn na sana’y ipagpatuloy natin ang pagtulong sa kapwa lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

“Lets continue doing our part to help them and for us, the ones spending Christmas with our families, under the same roof and with food on the table, let’s be aware of how blessed we are.

“Wishing everyone a Merry Christmas and better times ahead,” sey ni Nico.

Related Chika:
Angel nabiktima rin pambu-bully sa showbiz; may inamin tungkol kay Solenn Heussaff
Solenn Heussaff nanganak sa pagpasok ng Bagong Taon: Nico Bolzico proud daddy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending