Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba? | Bandera

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Therese Arceo |December 25,2021
facebook
share this

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Therese Arceo - December 25, 2021 - 01:35 PM

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso stars na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales dahil sa mga nagkalat na Tiktok video sa social media.

Makikita kasing sweet na sweet ang dalawa habang nasa isang amusement park sa Laguna.

May mga kuha kung saan nakayakap si Jeric kay Rabiya. Mayroon ring kuha kung saan malagkit ang tingin nila sa isa’t isa.

@jerabthings_as long as we keep it lowkey ✨ #jericgonzales #rabiyamateo #fyp #foryoupage #enchantedkingdom

♬ original sound – JERAB.OFFICIAL

Base sa aming pagkakaalala, nagkasama na ang dalawa sa isang episode ng “Wish Ko Lang”.

May mga nagsasabi na baka gimmick lang daw angmga kumakalat na sweet moments ng dalawa para sa kanilang project.

 

May ilan naman na kinikilig sa dalawaat sinasabing bagay sina Rabiya at Jeric.

Sa ngayon ay wala namang comment ant dalawa kung totoo nga ba ang chika.

Samantala, abala ngayon si Rabiya sa kanyant taping para sa “Agimat ng Agila” kasama si Sen. Bong Revilla samantalang katatapos lang ni Jeric sackantang pelikula na “Broken Blooms”.

Kung true man ang chika na may something sa dalawa ay good for them dahil hindi sila kabilang sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

Matatandaang nitong taon nang aminin ni Ng Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na hiwalay na sila ng kanyang m non-showbiz dyowa na si Neil Salvacion na naging boyfriend niya ng anim na taon.

Sinubukan rin ng kanyang dating dyowa na mag-audition sa “Pinoy Big Brother” kung saan inamin nito na isa sa nga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nilinaw naman ni Rabiya na nakapag-usap na sila ni Neil matapos mag-viral ang kanyang audition video.

Saad ng dating beauty queen, “After nun, we also talked about the issue, and he said sorry.

“Sabi ko din, iba kasi yung pagiging public figure. Siguro yun ang hindi niya na-prepare yung sarili niya. Na everybody is gonna have a say about you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na-link naman ang aktor na si Jeric sa kanyang co-star sa “Magkaagaw” na si Sheryl Cruz ngunit pinabulaanan niyang may relasyon silang dalawa.

 

Related Chika:
Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending