Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special 'yun Bandera

Jeric umamin na sa tunay na relasyon nila ni Sheryl: Very, very close kami, special ‘yun

Ervin Santiago | March 17,2021 - 09:54 AM

MAKAHULUGAN ang naging pahayag ng Kapuso actor-singer na si Jeric Gonzales tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Sheryl Cruz.

Nagsalita na ang lead star ng afternoon series ng GMA na “Magkaagaw” hinggil sa chika na nagkadebelopan na sila ni Sheryl makalipas ang ilang buwan nilang pagsasama sa programa.

Sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” (TBATS), naging special guest si Jeric kasama si Yasser Marta kung saan sumabak sila sa “May Pa-PreNa-hot seat” at sinagot ang ilang intriguing at controversial questions nina Boobay at Tekla.

At isa nga sa mga naitanong kay Jeric ay kung ano ba talaga ang  namamagitan sa kanila ni Sheryl matapos ngang matsismis na nagkakamabutihan na sila ngayon.

“Alam n’yo naman naging close kami sa Magkaagaw so kung ano man ‘yung friendship namin ngayon, sa amin na lang ‘yun siguro. Very, very close kami. Special ‘yun,” ang sagot ng binata.

Sundot na tanong, feeling ba niya siya na ang “Mr. Dreamboy” (hit song noon ni Sheryl) na hinahanap ng Kapuso actress, ang mabilis na sagot ni Jeric, “Sa tingin ko, ako na.”

Samantala, inamin naman ng binata na mas gusto niyang makarelasyon ang medyo mas may edad sa kanya kaya naman pasok na pasok sa criteria na yan si Sheryl.

Sabi ni Jeric, “Mas may experience ang babae, mas marami akong matutunan, ‘di ba?”

Kung matatandaan, natsismis pang nabuntis daw ni Jeric si Sheryl pero mariin itong dinenay ng aktres. Pero tungkol naman sa agwat ng edad, sinabi niyang hindi mahalaga ang age sa dalawang taong nagmamahalan.

“It depends on your perspective as a person. Kung ikaw nirerespeto mo siguro ang kapwa mo, kung ano ang nagpapaligaya sa kanila, huwag na nating isama kung ano yung mga red tape, o yung mga nakikita natin na pagtsitsismisan ka, or whatever.

“Kung ang emotions mo ang pinakaimportante dito, that you share with that person you connect with, I don’t see anything wrong with it.

“For as long as you respect each other and you love each other, yun ‘yon. Keber kung ano ang sabihin ng iba,” sey ni Sheryl.

“For me, for as long as both of you are of age, at wala kayong sinasaktang kahit sinong tao. I don’t really know about the others, pero kung ikaw naman ay nang-aagaw, ibang usapan na ‘yon,” lahad pa ng aktres.

Sabi ni Jeric, “Sa tingin ko hindi (mahalag ang age). Katulad ng sinabi ni Miss She, it depends sa perspective ng tao talaga, e.

“Naniniwala kasi ako na hindi age, e. Kapag na-in love ka sa isang tao, it doesn’t matter. Ang mahalaga du’n masaya ka, ‘tapos, ayun, nakita niyo yung mundo ng isa’t isa, yung happiness ng isa’t isa, nagkasundo kayo.

“Parang ‘yon yung mahalaga, e. Kung anuman yung sasabihin ng iba, di na mahalaga ‘yon. Parang ganu’n. Kaya I think hindi siya nagma-matter,” pahayag pa ng binata.