Abed Green bibida sa ‘Magpakailanman’ Christmas special; pamilya ni Markki Stroem kumpleto ngayong Pasko
SIGURADONG isang maligayang Pasko para sa baguhang aktor na si Abed Green ngayon taon dahil sa acting project na binigay sa kanya ng GMA dahil bida agad siya sa longest running drama anthology ng GMA 7, ang “Magpakailanman” na mapapanood ngayong araw bilang Christmas episode.
Gagampanan ni Abed ang role ni Jessy Hernandez, ng Filipino-Australian na napakatagal nang hinahanap ang tunay na ama na nagdulot ng mabibigat na pagsubok na nagmulat sa kanya kung gaano kahalaga ang pamilyang kumupkop sa kanya.
Sa panayam namin kay Abed ay ibinahagi niya ang sobrang excitement noong kinumpirma sa kanya na siya ang gaganap sa karakter na ito.
“Sobrang solid. Eto na ‘yun, lahat ng inaral ko sa workshops ay dito ko maipapakita na lahat ng natutunan ko. Kaya sobrang saya ko na malaman na nakuha ko ‘yung role na ito sa Magpakailanman. Nakaka-tense pero mas more of challenging kasi akalain mo lead role kaagad,” sabi ng baguhang aktor.
View this post on Instagram
Si Abed ay kasama sa Cornerstone’s new roster of multi-talented artists na inilunsad kamakailan lang bilang GEN C at diskubre siya bilang model para sa isang clothing line.
Sampu ng co-artists niya sa GEN C ay puspusan ang naging training sa pag-arte sa ilalim ng pamumuno ng mga magagaling na TV at movie directors tulad nina Joyce Bernal, Irene Villamor at Dan Villegas.
Naging bahagi rin si Abed ng VivaMax’s “Pornstar 2 : Ang Pangalawang Putok” na pinagbibidahan nina Rosanna Roces, Maui Taylor, Ara Mina at Alma Moreno na idinirek ni Darryl Yap.
Ka-join din ang morenong aktor sa WeTV’s “The Kangks Show” ni Angelica Panganiban mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
Anyway, excited si Abed dahil makakasama niya sa “Magpakailanman” Christmas special sina Rita Avila at William Lorenzo. Ang love interest naman ng binata sa kuwento ay si Liezel Lopez.
Ano ang asset ni Abed bilang nagsisimulang aktor, “My eagerness to learn from my co-actors and production. Ready ako matuto.”
* * *
Pagkalipas ng apat na taon ay nakumpleto ulit ang buong pamilya ng Cornerstone talent na si Markki Stroem base sa post niya sa kanyang Instagram bago maghatinggabi kagabi.
Pinost ni Markki ang larawan nilang buong pamilya na ang caption ay, “Happy Holidays from the Strøms! This is the first time in 4 years that we are complete together for Christmas. This was a special Christmas for us. @kai_stroem has been living in Japan for a few years, while @stroemkub has been making waves in Norway.
“It has been great spending time with the parents while they are enjoying their retirement at home. Great to check on them once in a while.
“Sending out lots of love from Daddy Stroem, Mommy Stroem, Koi, Patugs and myself. Merry Christmas, Happy Hanukkah, a festive Kwanzaa, or however you all celebrate the holidays, may peace and harmony always follow. Sending out ALL THE LOVE I HAVE for keeping me company this year. You are all such beautiful souls. (emoji hearts).”
Samantala, balik trabaho na si Markki sa December 28 para sa gala night ng Gagaoolala Originals series na “Love at the End of the World” at streaming na ito sa December 30.
View this post on Instagram
Related Chika:
Markki Stroem naghanap ng masasakyan sa Tagaytay nang naka-underwear lang: ‘Para, kuya!’
Read more: #ixzz7G1L99yvF
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.