Markki Stroem naghanap ng masasakyan sa Tagaytay nang naka-underwear lang: 'Para, kuya!' Bandera

Markki Stroem naghanap ng masasakyan sa Tagaytay nang naka-underwear lang: ‘Para, kuya!’

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Markki Stroem naghanap ng masasakyan sa Tagaytay nang naka-underwear lang: ‘Para, kuya!’

Ervin Santiago September 15, 2021 - 01:53 PM

Markki Stroem

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang bagong paandar ng hunk singer-actor na si Markki Stroem.

Naloka ang ilang netizens, lalo na ang mga beki, sa mga ipinost ng binata sa kanyang Instagram at Facebook accounts kung saan muli siyang rumampa nang nakahubad.

Dalawang litrato ang ibinahagi ni Markki sa kanyang mga socmed followers na kuha pagkatapos ng last taping daw nila para sa digital series na “Love At the End of the World.”

Makikita si Markki na nasa tabi ng daan habang naghihintay ng ride sa isang lugar sa Tagaytay City — na ang tanging suot lang ay ang kanyang white underwear. 

Chika ng aktor, nais niyang gumawa ng isang hindi malilimutang moment sa last taping day ng nasabing BL (boy’s love) project. 

Aniya sa caption, “Para! Kuya! Finished shooting our last scene of #LoveAtTheEndOfTheWorld, so now I am looking for a ride back to Manila. Any takers? 

“Hitch Hiker vibes, before we go into our rehearsals for a very special and difficult episode for #LoveAtTheEndOfTheWorld,” ang sabi pa niya sa caption.

Hindi naman binanggit ni Markki kung bahagi pa rin ng kanilang digital series ang paghihintay niya ng masasakyan pauwi ng Maynila nang naka-briefs lang o ginawa talaga niya ito dahil nais lang niyang mag-trip.

Sabi pa ng binata sa kanyang IG post, “What would you do if you only had one last day left on earth? It is a question I have always pondered. The fear, the pain, as your life flashes before your eyes. 

“Instead of answering this question, a recent quote of a very poignant character in popular culture resonated with me.

“’I believe, you keep on living in that final thought before you die. So when the chaos happens, I always think of when I was happiest, So I’ll stay and live in those memories forever’- Tokyo. Money Heist.’

“Even in the most dire of times, when everything seems to be falling apart. Always try to think of a time when you were most CONTENT with your life. 

“Explore the possibilities of living and LOVING in a world where you are in your perfect UTOPIA. Who knows? It might manifest in the afterlife.

“Have a week full of Sheer BLISS everyone! Love you all, ‘Hanggang sa Magunaw na ang mundo,’” dagdag pang pahayag ni Markki.

Sa huling bahagi ng nakakalokang pasabog ng singer, nabanggit niya na malapit na rin niyang ilunsad ang sariling underwear brand.

Kung matatandaan, buong-ningning ding ipinakita ni Markki sa madlang pipol ang halos hubo’t hubad na niyang katawan bilang bahagi ng kanyang 34th birthday noong nagdaang March.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending