Kris masayang nagbigay tulong kahit na sumama ang pakiramdam: Kagustuhan kong maging happy sila! | Bandera

Kris masayang nagbigay tulong kahit na sumama ang pakiramdam: Kagustuhan kong maging happy sila!

Reggee Bonoan - December 24, 2021 - 08:32 PM

 

Kris nagkasakit matapos mamahagi ng tulong; hindi makakasama sa Noche Buena si Mel at mga anak

BAGO lumipad noong December 22 si Kris Aquino patungong Negros Occidental kasama ang fiancé niyang si ex-DILG secretary Mel Senen Sarmiento para mamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette ay nagpa-check muna siya sa kanyang doctor na si Anthony N. Piano.

Sumama sina Kris at Mr. Sarmiento kay VP Leni Robredo para magbigay tulong sa mga kababayang nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Odette.

Inilabas ni Kris ang pirmadong medical certificate dated December 22 ni doctor Piano ng The Medical City ngayong gabi, December 24.

Sa nakasaad sa medical certificate ay nakitaan si Kris ng severe muscle spasms due to excessive exertion, associated fine postural and action tremors neuropathic or secondary muscle fatigue bukod pa sa mga rashes sa mukha at mga kamay at underweight pa.

Kaya pinayuhan siya ni doc Piano ng full bed rest at iwasan ang excessive strenuous activities pero hindi ito sinunod ng Queen of All Media.

Ayon kay doc Piano, “she specifically asked me to include that she never asked my permission to take the trip because she knew I would object. But her reason was she personally wanted to deliver relief herself and attempt to make fellow Fillipinos feel her love and compassion during their most vulnerable time. Admirable yes, but as her attending physician and seeing her in much pain I need to protect my immunocompromised patient’s physical well-being.”

Pinost din ni Kris ngayong gabi ang video ng truck ng Puregold na naglalaman ng mga relief goods na ipinamahagi niya mismo sa mga taga Negros Occidental.

Ang mahabang caption ni Kris, “I am a glass half full type of person. Yes, I’m bedridden & won’t get to really celebrate Noche Buena with my 2 giants & Mel (it’s okay, by January 1, 2022 complete na kami with his 2 sons); ibang level ‘yung muscle spasms ko (nonstop pins & needles- cramps na ewan na) from my neck to the base of my spine. Thank you for rushing to see me when we arrived @pianomanphil.

“’Yung rashes naging malaking mga pantal na, sa mukha at braso, ang mga pasa at 1st time namin makitang ganitong klaseng manifestation ng rashes sa binti ko naman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Kamay na until now nanginginig pa rin, (why? ito na, BECAUSE sa kagustuhan kong ma HAPPY-yung mga talagang kailangan mapangiti kahit nu’ng moment lang na ‘yun, binuhat ko & personal na inabot to as many as I could relief bags I put in a super rush order for nakalimutan ko may autoimmune ako at ‘yung laman ng bawat supot, minimum 7-8 lbs, pero ako go lang ng go

“Until nabulong ko na kay Mel & @narsgeraldfiel na hilong-hilo at nanginginig na ko at nakakahiya kung dun pa ‘ko bumagsak.

“SALAMAT MARVIN CRUZ, for your dedication & patience sa pagkakulit ko.

“BUT everything happens as part of God’s plan … Excited ‘kong na BALITA sa partner ko sa pagtulong na si @therealangellocsin basta initiative naming dalawa na walang politician na kasama, divided by 3 na ‘yung cost. ‘Yung dating kaming dalawa, ngayon may pangatlo na. YES, mas maraming pwedeng matulungan,” sey ni Kris.

“We all know Angel had procedures for her spine in Singapore.

“As stated in my medical certificate I have many health problems. But if the need is for us to be present while goods are being distributed nagusap na kami- si Gel muna until my doctor gives me clearance, ako ‘yung on ground to coordinate, place, and pay for our share of the orders. I said, “Gel, thank God they trust us.”

“Hindi nakita sa news feeds ‘yung mukha ng tao sa KABANKALAN at HIMAMAYLAN, Negros Occidental na kahit papaano- napaligaya ko. Sample lang ‘to.

“Background music courtesy of the publisher @ogiealcasid, sung by @reginevalcasid.”

Isang oras palang ang nakararaan habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 7k ang nag like at pinusuan ang post na ito ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Noynoy Aquino may request kay Mel Sarmiento para kay Kris: ‘Ibinilin ni Sir na alagaan ka’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending