Willie namigay ng P9M tulong pinansyal sa Siargao | Bandera

Willie namigay ng P9M tulong pinansyal sa Siargao

Therese Arceo - December 24, 2021 - 11:47 AM

Willie namigay ng P9M tulong pinansyal sa Siargao

Willie Revillame | Photo from Bong Go’s Facebook account

NAMAHAGI ng tulong pinansyal ang TV host-actor na si Willie Revillame sa siyam na munisipalidad ng Siargao na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.

Noong Disyembre 22 ay bumisita ang “Wowowin” host sa Siargao kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go para personal na maglibot at mamogay ng tulong sa mga nasalanta.

“Nandito po ako, actually hindi ko po alam na darating ang ating mahal na Pangulo at ang ating mga cabinet members at ang mahal na senador.

“Sabi ko lang ho, kung pupuwede akong pumunta ng Siargao… may dala ho akong 2 helicopter.

“Tapos sabi ko nga, gasoline lang ang kailangan ko, maghahatid lang kami ng mga pangangailangan sa mga barangay,” saad ni Willie.

Aniya, narinig niya raw sa broadcaster na si Ted Failon na nangangailangan sa Siargao ng private helicopter kaya agad niyang dinala ang kanyang dalawang choppers.

“Naisip ko kaagad tumawag kay Sen. Bong Go kung maaari ho ba akong humingi ng pahintulot sa mahal na Pangulo na pupwede ba akong pumunta sa lahat ng barangay? Dito po ako magpa-Pasko,” pagpapatuloy ni Willie.

Namigay rin si Willie ng tig-iisang milyong piso sa siyam na munisipalidad ng Siargao: Burgos, Dapa, Del Carmen, General Luna, Pilar, San Benito, San Isidro, Santa Monica, at Socorro.

“Hindi po ako tumatakbong kahit na anong posisyon sa politika… Ako po ay nandito para makatulong, siyam na mayors po dito, di ba?

“Sa akin po, ako’y sobrang pinagpala ng Panginoon, sobrang blessings po.

“Isipin niyo po, ako lang ang may trabaho nung panahon ng pandemya, na nagbibigay ng 5 thousand, 10 thousand, pambili ng gamot, kung anuman, jacket, tablet.

“For almost two years, awa ng Panginoon, hindi ako nahinto sa programa.

“Sa bawat mayor po, ako’y magbibigay ako ng tig-isang milyon para makatulong, para makabili po sila ng kanilang pangangailangan na bubong,” sey ni Willie.

Nilinaw naman ng TV host-actor na mula sa sariling bulsa ang kanyang perang idino-donate sa mga residente ng Siargao.

“Yun lang po ang kaya ko, hindi ko naman kaya lahat.

“Yun po’y galing sa puso ko yun, hindi galing sa anuman yun, yun po ay mga naipon ko,” saad ni Willie.

 

Related Chika:
Willie sa kumokontra sa pagsabak niya sa politika: Wala pa ho akong desisyon, huwag n’yo muna akong tirahin!
Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending