'DOM' na pulitiko tirador ng mga magagandang campaign volunteer Bandera

‘DOM’ na pulitiko tirador ng mga magagandang campaign volunteer

Den Macaranas |December 22,2021
share this

‘DOM’ na pulitiko tirador ng mga magagandang campaign volunteer

Den Macaranas |
Wacky Leaks
December 22, 2021 - 06:27 PM

Hanggang ngayon pala ay wala pa ring kupas ang pagiging mahilig ng isang matandang pulitiko na makailang beses na rin namang nagpalit ng misis.

Sinabi ng aking cricket na masugid ang ginagawang panunuyo ng ating bida sa isa sa kanilang mga volunteer para sa halalan sa 2022.

Sa kasalukuyan ay kasal si Sir sa kanyang ikatlong misis pero wala pa ring palatandaan na nagbago na ito sa kanyang pagiging mahilig.

Bagama’t kulay puti na ang kanyang bigote ay feeling makisig pa rin si Mr. Politician lalo na kapag present sa kanilang opisina ang target niyang binibini.

Nasabi kong ikatlong misis na ang kasalukuyang karelasyon nang pulitikong ito dahil diborsyado siya sa kanyang unang dalawang misis.

Mautak itong si Sir dahil lahat ng kanyang mga asawa at naging asawa ay sa US niya pinakasalan kung saan ay may divorce.

Bukod nga naman sa sosyal ang dating dahil sa US ang kasalan ay sadyang doon niya ginawa ang kanyang pagpapatali dahil sa divorce.

Ang kanyang ikalawang misis ay dati niyang secretary na sinulot niya mula sa dating karelasyon.

Makaraang makasal sa loob lamang ng halos ay tatlong taon ay hiniwalayan rin niya ito nang makilala niya ang isang foreigner na ngayon nga ay kanyang asawa.

Pero sa pagkakataong ito ay tila hindi uubra ang pambobola ng ating bida dahil tinapat na raw siya ng kanilang magandang volunteer na hindi ito interesado na makipag-relasyon sa isang lalaki na halos ay ka-edad na ng kanyang lolo.

Medyo kilala rin ang pulitikong ito na tumakakbo sa isang national position dahil sa pagpapakilala ng kanilang grupo bilang reformist at makabayan kuno.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending