Sarah napaluha nang kantahin ang Sana Ngayong Pasko: Minsan mahirap pa ring maging positive, pero…
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
SIGURADONG maraming pinaiyak ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang kantahin niya ang kanyang version ng OPM classic Christmas song na “Sana Ngayong Pasko”.
Ito’y naganap sa digital show ng award-winning singer-actress na “Christmas With The G’s” kasama ang asawang si Matteo Guidicelli na napanood sa Vivamax Plus kahapon.
E, kasi nga, grabe ang pagkakakanta ni Sarah sa “Sana Ngayong Pasko” ni Ariel Rivera — bukod sa binigyan niya ito ng kakaibang Christmas feel ay punumpuno din ito ng hugot.
Habang kumakanta ang Kapamilya star, kitang-kita sa itsura ng misis ni Matteo ang pagkontrol sa kanyang emosyon, pero talagang ramdam ba ramdam na mo ang sakit ng kanta.
Sa isang bahagi nga ng kanta ay halos hindi na niya nagbiglas ang salitang “Pasko” dahil talagang nadala na siya ng mensahe ng kanta. Kaya after ng nasabing performance, agad siyang niyakap ni Matteo.
View this post on Instagram
Samantala, nagbigay din ng makabagbag-damdaming mensahe si Sarah pati na si Matteo para sa madlang pipol ngayong panahon uli ng kapaskuhan.
Sey ni Sarah sa kanyang asawa, “Love, Christmas is the happiest time of the year but, unfortunately, may iba po sa atin ay hindi magiging masaya ang pagse-celebrate ng Pasko.
“Marami sa mga kapwa natin ang nawalan ng mahal sa buhay, trabaho, ng pag-asa, ng inspirasyon, and there are also people who are away from their families this holiday season,” lahad ng singer-actress.
Sagot ni Matteo sa kanya, “Babe, that’s very very true. This is hard times, but at the end of the day, we would like to encourage each and everyone of you and us, baby, that through thick and thin, through all these challenges we go through, I think God has a bigger plan for all of us.
“You know, you’re a living proof of that. You show me how strong you are.
“You inspire me every day to whatever you go through, at the end of the day, you stand even taller than everybody else so maraming salamat for the inspiration.
“I guess, at the end of the day, this Christmas is a good reminder na we have to be thankful, stand up and be happy again and put joys in our heart and say thank you and be happy again,” madamdamin ding mensahe ng actor-singer.
Pahayag naman ni Sarah G, “Yes love, minsan pa rin mahirap maging positive, pero we need to focus, yung positive things, yung positivity. Because in God’s time, everything will be healed and will be right again.”
Marami namang netizens na nakapanood ng online Christmas show ng celebrity couple ang nagsabi na naging emosyonal si Sarah dahil nami-miss na niya ang kanyang pamilya, lalo na ang inang si Mommy Divine.
Balitang hanggang ngayon kasi ay hindi pa totally nagkakaayos ang mag-ina mula nang magpakasal si Sarah kay Matteo noong March, 2020. Nabalita noon na nagkaayos na raw sina Sarah at Mommy Divine pero hindi pa raw talaga nito matanggap si Matteo.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/289208/matteo-gusto-nang-maging-daddy-tinukso-tukso-si-sarah-babies-babies-ha-happy-birthday
https://bandera.inquirer.net/289015/matteo-sarah-pinakilig-ang-netizens
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.