PROUD na ibinandera ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo ang kanyang newest achievement, ang pag-graduate sa college!
Sa kanyang Instagram account ay hindi napigilan ng dalaga na ibahagi ang magandang balita.
Nag-post si Heaven ng kanyang litrato na nakasuot ng toga at maikling video clip mga ganap habang uma-attend siya ng kanyang virtual graduation ceremony.
Nagpasalamat rin ang aktres sa mga taong patuloy na nagparamdam ng pagmamahal at nagpakita ng pagsuporta sa kanya.
“It was one heck of a journey but I finally graduated! All of these would not be possible without the continuous love and support from my family, friends and mentors!” saad ni Heaven.
View this post on Instagram
Agad namang nagpahatid ng pagbati ang mga kasamahan ng young actress sa industriya.
“Congratulations, Anak!!!” bati ni Iza Calzado.
“Congratulations, Heaven,” saad naman ni Karylle.
“Congratulations ate Heaven,” sabi ni Missy Quino na naging “PBB” housemate rin.
Nag-comment rin ang vlogger at social media influencer na si Kimpoy Feliciano na na-link bilang bagong boyfriend ng dalaga ngunit rin naman nilang pinabulaanan ang isyu.
“Proud of you,” saad ng binata.
Bagamat may mga taong patuloy sa pambabash kay Heaven kaugnay sa nagdaang isyu nito sa kanyang birthday post ay marami namang mga netizens at supporters ni Heaven ang masaya para sa dalaga.
“Congratulations Heaven. I’m super proud of you no matter what other people say. Keep it up gorgeous!” sey ng isang netizen.
“Ganyan dapat! Kahit maraming opportunities, pag-aaral pa rin ang pinakasangkap sa lahat ng pangarap,” hirit pa ng isang netizen.
Matatandaang taong 2018 nang ibahagi niya ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral sa Southville International School affiliated with Foreign Universities matapos ang kanyang pagsali sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother”.
Related Chika:
Heaven nagkaroon ng instant ‘Science lesson’ sa kanyang b-day post
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.